Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Super Tekla, umaasang magkaka-show muli (Jose Manalo puwedeng palitan sa EB)
Super Tekla, umaasang magkaka-show muli (Jose Manalo puwedeng palitan sa EB)

Super Tekla, umaasang magkaka-show muli (Jose Manalo puwedeng palitan sa EB)

 

HINDI lahat ng artistang sumisikat ay nakatira sa magagandang bahay. Noong interbyuhin ng Kapuso si Super Tekla, parang hindi makapaniwala ang mga nakapanood na ni walang sofa sa bahay ng komedyante.

Wala ring aircon o mamahaling gamit. O ni aparador na lagayan niya ng damit.

Sa siyam na buwang paglabas sa TV show ni Super Tekla sa Wowowin ni Willie Revillame, walang naipong pera ang komedyante. Katwiran nito, isinustento niya ang mga kinikita sa mga kapatid at amang maysakit na nasa Cebu.

Pinadadalhan din niya ang nag-iisang anak.

Sabi nga ng komedyante, paano siyang magsusugal kung walang maraming pera. Mahilig siya sa Bingo.

Nagpapasalamat siya kay Willie sa pagbibigay nito ng break sa kanya. Umaasa siyang muling bibigyang pagkakataon ang kanyang talent para maipakita kahit sa ibang show.

 

JOSE MANALO
PUWEDENG PALITAN
NI SUPER TEKLA EB

MARAMI ang nanghihinayang at nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila napapanood si Jose Manalo sa Eat Bulaga.

May nag-suggest tuloy na bakit hindi ilagay doon si Super Tekla habang wala pa ang komedyante.

(VIR GONZALES)

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved