Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / CoP, 4 pulis patay sa ambush ng NPA sa Negros Oriental
CoP, 4 pulis patay sa ambush ng NPA sa Negros Oriental

CoP, 4 pulis patay sa ambush ng NPA sa Negros Oriental

 

ISANG chief of police (COP) at apat na pulis ang patay habang dalawa ang sugatan makaraan tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng komunista sa lungsod ng Guihulngan, Negros Oriental nitong Biyernes.

Sinabi ni Col. Elizier Losanes, commander ng Philippine Army 303rd Infantry Brigade, ang Sangguniang Bayan member ay inatake ng hinihinalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Magtiid, Brgy. Magsaysay sa Guihulngan.

READ MORE:  Konsehal, dyowa timbog sa baril, droga

Kasunod nito ang sagupaan ng mga gerilya at nagrespondeng mga pulis, ayon sa ulat ng Army.

READ MORE:  VFA national defense strategy ng PH (Giit ng Palasyo)

Makaraan ang sagupaan, limang pulis ang namatay, kabilang si Guihulngan police chief, Supt. Arnel Arpon, habang dalawa pang pulis ang nasugatan.

Nitong Miyerkoles, isang militiaman ang napatay habang apat miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang sugatan sa ambush ng NPA sa Arakan, North Cotobato.

READ MORE:  Duterte, hindi totoong galit sa media — PDP-Laban official

Habang sa lalawigan ng Palawan, dalawang miyembro ng Philippine Marines ang napatay ng NPA rebels nitong Miyerkoles, at binomba ang military truck nitong Martes.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved