Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Appointment ni Isko Moreno yucky sa netizens’ reactions
Appointment ni Isko Moreno yucky sa netizens’ reactions

Appointment ni Isko Moreno yucky sa netizens’ reactions

MARAMING netizen ang nagpahayag ng kanilang negatibong reaksiyon sa appointment ni dating Manila vice-mayor at talunang senador na si Isko Moreno bilang board member ng North Luzon Railways Corp.

Grabe sa haba ang mga reaksiyon.

Hindi na natin isusulat dito dahil talagang hindi magugustuhan ni Isko kapag nabasa pa niya.

Pero isa lang ang klaro, nagtataka sila kung talaga bang the “change has come?”

Una, bakit nakasama sa GRP panel si Isko para humarap sa peace talks with National Democratic Front of the Philippines (NDFP)?

E ‘yung peace and order nga lang sa Maynila, hindi siya nakatulong at lalo pang nagkagulo nang siya ang humawak ng Manila Parking and Traffic Bureau (MTPB), ‘di ba?

Hanggang ngayon, may nakabinbin pang kaso hinggil sa ghost employees laban kay Isko sa Ombudsman.

Ano na ba ang nangyari sa kaso ni Isko, Madam Ombudsman, Conchita Carpio-Morales?

At ngayon, naitalaga pang board member sa North Luzon Railways Inc., napakainam na suwerte ‘yan!

Ang haba-haba talaga ng suwerte ni Isko!

Hindi ba’t kay Senator Grace Poe siya nakatiket noong nakaraang eleksiyon?!

Talagang napakatulin sa lundagan, tumbling at takbohan nitong si Isko…

Puwedeng-puwede sa track and field.

Okey, for the benefit of the doubt, let’s give Isko a chance.

Galing nga sa pagbabasura noong kabataan niya, ‘di ba?

Baka sa husay niya sa pagbabasura ay ma-ingatan niya ang mga bakal na riles ng tren.

Hayaan nating tubusin ni Isko ang kanyang sarili para makatindig sa maburak na bahagi ng politika para linisin (lagyan mo ng sandamakmak na zonrox) ang kanyang namantot na pangalan sa Maynila.

Please lang ha!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved