Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 20-anyos bebot natagpuang patay sa motel
20-anyos bebot natagpuang patay sa motel

20-anyos bebot natagpuang patay sa motel

 

PALAISIPAN sa mga awtoridad ang natagpuang walang buhay na 20-anyos babaeng estudyante sa kuwarto ng isang motel sa Caloocan City, kamakalawa.

Batay sa ulat nina SPO2 Frederick Ma-nansala at PO3 Michael Olpindo, dakong 5:00 pm nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Lexlyn Joy Bautista, residente sa Caypombo, Sta. Maria, Bulacan, sa room 304 ng Hotel Sogo sa Monumento Circle, ng attendant na si Quimar Margas, 29, at kanyang supervisor.

Base sa pahayag ng hotel telephone operator na kinilalang si “Carmina,” tinawagan niya ang biktima upang ipaalala na oras na ng kanyang paglabas ngunit hindi sumasagot kaya pinunta-han ng room attendant kasama ang kanyang supervisor.

Kinatok ang pinto ng kuwarto at nang hindi tumugon ang biktima, nagpasya si Margas at kanyang supervisor na buksan ang silid gamit ang duplicate key.

Nang mabuksan ang silid, nadiskobre nilang wala nang buhay si Bautista habang bumubula ang bibig.

Agad isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktima ngunit idineklara dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Marilyn Bermudez-Puyot dakong 6:21 pm.

(ROMMEL SALES)

 

 

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved