Monday , June 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Awra ‘di nag-expect na gaganap na Ding sa Darna
Awra ‘di nag-expect na gaganap na Ding sa Darna

Awra ‘di nag-expect na gaganap na Ding sa Darna

NILINAW ng break-out child star na si Awra na hindi wala siyang natatangap ng alok para maging Ding sa Darna ni Liza Soberano tulad ng mga nababalita.

Aniya, wala siyang offer na natatanggap. ”Hindi ko po ine-expect. Hindi ako nag-o-overthink na maging Ding ako kasi unang-una, hindi bakla si Ding. Ibang-iba ang personality niya sa personality ni Awra kaya hindi po ako nag-o-overthink o nag-e-expect na i-offer ako na maging Ding.

“Pero I wish and nagpe-pray ako na sana, i-offer nila ako kahit na iba ‘yung ano ni Awra kay Ding,” ani Awra.

Pero kahit hindi siya inalok na mag-Ding sa Darna, super happy naman si Awra sa proyektong ibinigay sa kanya ng Dreamscape Entertainment, angWansapanataym Presents: Amazing Ving na magsisimula na ngayong Linggo, July 23.

“Opo, mas bongga talaga. Hindi siya basta si Ding talaga,” giit pa ni Awra.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved