Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, may sorpresa kay Maine
Alden, may sorpresa kay Maine

Alden, may sorpresa kay Maine

 

TODO pa rin ang pagdi-deny ni Maine Mendoza kay Sef Cadayona. Hindi mamatay-matay ang pagkaka-link sa kanila.

“Oo nga, masyado n’yong binibigyan ng malisya ang sa amin Sef. Ano bang problema n’yo?,” reaksiyon ni Maine sa isang live Twitter session.

READ MORE:  Doctolero, ‘di rin daw kasundo ng mga katrabaho

Ganoon din naman kay Alden, patuloy pa rin ang pag-uugnay sa kanya sa ilang babae sa loob o sa labas ng showbiz. “Faithful po ako kay Maine,” ang maikli pero may diin na deklara ni Alden.

Hindi itinago ni Alden ang tunay na nararamdaman para kay Maine nang minsang makausap ito tungkol sa 2nd anniversary ng AlDub. Binigyang-linaw ang tatag nilang dalawa ni Maine lalo na’t may ibang nali-link sa kanila.

READ MORE:  Grae Fernandez, happy sa suporta ng ABS CBN

Kuwento niya, “Sa tagal, sa rami at sa lalim ng pinagsamahan at pinagdaanan namin ni Maine, hindi ko na pinapansin ang mga ganitong bagay.”

READ MORE:  Kim, natameme sa mga papuri ni Gerald (Pagtakbo, magiging lifestyle na)

Ayon pa sa Pambansang Bae, may something special at meaningful na magaganap sa AlDub sa first quarter ng 2018.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved