Wednesday , June 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, ikinahiya sa asawa ang pagiging palasak na call boy
Aktor, ikinahiya sa asawa ang pagiging palasak na call boy

Aktor, ikinahiya sa asawa ang pagiging palasak na call boy

 

ANG kuwento sa amin ng kaibigan ng isang character actor, takot na takot daw iyon na malaman ng kanyang misis ang kanyang naging sideline noong araw. Kasi inamin man daw niya sa kanyang misis na minsan ay nagkaroon siya ng hindi magandang bisyo, hindi niya inamin na noong araw na sumasama siyang makipag-date sa mga bading. Takot siya dahil sa totoo lang, kalat naman iyon dahil sa dami nga ng mga bading na nakarelasyon niya, bukod pa sa mga nakahagip lang sa kanya.

Ang malungkot pa born again ang misis niya, kaya ang mga kasama nilang madalas ngayon ay iyong ganoong grupo rin. Eh ano nga naman ang iisipin ng mga kasamahan nilang born again kung malalaman na siya pala ay isang palasak na call boy din noong araw. Eh ang press release niya, disenteng artista siya. (Ed de Leon)

 

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved