Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Single ni Teejay, instant hit sa mga Pinoy at Indonesian
Single ni Teejay, instant hit sa mga Pinoy at Indonesian

Single ni Teejay, instant hit sa mga Pinoy at Indonesian

 

LUMABAS na last July 7 ang first single ng Pinoy/Indonesian star na si Teejay Marquez, ang Di Magbabago under Universal Records at mabibili na sa I-Tunes , Spotify, Amazon atbp.

Kasabay ng paglabas ng single ni Teejay ang MTV nito na napapanood sa Youtube at Myx na humamig na ng libo-libong views.

Tsika ni Teejay, “Dream come true para sa akin ‘yung pagkakaroon ng single, dahil hindi naman talaga ako singer.

“Thankful ako sa Universal Records kasi binigyan nila ako ng pagkakataon na magkaroon ng sariling single ang ‘Di Magbabago.’

“Sana nga suportahan ng fans ko sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, at Thailand.”

Hindi nga lang dito sa Pilipinas ipo-promote ni Teejay ang kanyang single kung hindi maging sa karatig bansa sa Asya lalong-lalo na sa Indonesia na sikat na sikat ang singer/actor.

Sa ngayon ay busy si Teejay sa promotion ng kanyang hit single sa iba’t ibang radio at TV guestings.

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved