Monday , February 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Babaeng fiscal utas sa tandem (Sa Rizal)
Babaeng fiscal utas sa tandem (Sa Rizal)

Babaeng fiscal utas sa tandem (Sa Rizal)

 

BINAWIAN ng buhay ang isang lady assistant prosecutor makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat kay S/Supt. Albert Ronatay, kinilala ang biktimang si Atty. Maria S. Ronatay, Rizal assistant prosecutor, habang tumakas ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa bahagi ng Kaytikling sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 5:00 pm, lulan ang biktima ng kanyang CRV (UQ-1133) sa kahabaan ng Ortigas Ave. Extension, mula Kaytikling Circumferential Road, papuntang Cainta,

Pagsapit ng biktima sa Walter Mart, sa Brgy. San Isidro, Taytay, tinabihan siya ng motorsiklo ng mga suspek at siya ay pinagbabaril.

Kaugnay nito, kinondena ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang insidente, at inatasan ng National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang kaso.

(ED MORENO)

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved