Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yassi sa work muna ang focus, pakikitambal kay Coco, ‘di hinahaluan ng malisya
Yassi sa work muna ang focus, pakikitambal kay Coco, ‘di hinahaluan ng malisya

Yassi sa work muna ang focus, pakikitambal kay Coco, ‘di hinahaluan ng malisya

 

HINDI nagpapaapekto si Yassi Pressman sa mga basher at fan ng Coco (Marin)-Julia (Montes). Hindi na ito pinapansin ng leading lady ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi na maiwasan ang mga basher sa social media pero deadma lang siya at bina-brush off na lang.

Hindi naman nahahaluan ng malisya ang pagtatambal nila ni Coco. Sadyang mabait lang at magiliw ang Primetime King sa mga kasamahan niya sa set. Ito ang pahayag ni Yassi sa launching niya sa Nivea Deo bilang first Pinay endorser.

Tinanong din ang lovelife ni Yassi pero work muna ang inaatupag niya. Huling na-link kay Yassi ang isang komedyanteng actor na hindi niya pa rin mabanggit ang pangalan hanggang ngayon after ng break-up nila.

Hindi na naitawid ng press na itanong kay Yassi kung feeling ba niya ay vindicated siya after na maghiwalay sina Sef Cadayona at Andrea Torres dahil nali-link na ngayon si Sef kay Maine Mendoza.

Talbog!

 

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved