Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tunay na bayani ‘di retrato ni Digong sa gov’t offices (Duterte ala-Fidel Castro)

Tunay na bayani ‘di retrato ni Digong sa gov’t offices (Duterte ala-Fidel Castro)

 

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial turn-over ng mga baril sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Heroes Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS)

IPINATATANGGAL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang larawan sa lahat ng opisina ng pamahalaan.

READ MORE:  Coercion raps ni Vhong Navarro vs Deniece Cornejo, Cedric Lee tuloy

Sinabi ni Pangulong Duterte, maglalabas siya ng direktiba na magbabawal sa paglalagay ng kanyang larawan at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga tanggapan ng gobyerno at palitan ng mga retrato ng mga tunay na bayani ng bansa.

READ MORE:  Trike driver tigbak sa resbak

“Nabuang man ang mga ganoong tao. Doon mo iyan ilagay sa pamilya ninyo, sa sala,” ani Duterte sa talumpati sa Palasyo kahapon.

“I’ll issue the order. Gusto ko ang mga hero natin [ang ilagay], para ma-emulate ng mga bata. ‘Yung iba sa picture, ilang beses nang dumaan ng graft and corruption sa kaso e,” dagdag niya.

READ MORE:  GRP-NDF peace talks sinasabotahe ng LP — Bayan

Sa Cuba, ganito rin ang ginawa ng namayapang pangulo na si Fidel Castro.

Ibinilin niya sa kapa-tid na si Raul Castro, humaliling Pangulo sa kanya na huwag gamitin ang kanyang pangalan sa ano mang institusyon o kalye.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved