Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tulak pumalag sa parak, tigbak
Tulak pumalag sa parak, tigbak

Tulak pumalag sa parak, tigbak

 

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Darwin Paloma, 39, alyas Jaguar, ng Phase 8, Package 5, Brgy. 176, Bagong Silang, ng lungsod, habang nakatakas ang kanyang kasamang hindi pa nakikilala.

READ MORE:  Bahay ng tabloid reporter niratrat

Ayon kay Caloocan police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna, dakong 2:30 am nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-3 hinggil sa lantarang pagbebenta ng mga suspek ng ilegal na droga sa nasabing lugar.

READ MORE:  Affidavit ni Napoles pinasusumite ng Palasyo (Blackmail itinanggi ng Napoles camp, Kapalit ng immunity)

Agad nagtungo ang mga operatiba ng PCP-3 Drug Enforcement Unit (DEU) sa naturang lugar at naabutan ng suspek habang nakikipagtransaksiyon sa ilegal na droga.

READ MORE:  Mungkahi ni Angara: Rehab sa sugarol gawing simple

Nang mapansin ng mga suspek ang mga pulis ay agad nilang pinaputukan ang mga operatiba.

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis naging dahilan upang tamaan ng bala si Paloma habang nakatakas ang kanyang kasama. (ROMMEL SALES)

 

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved