Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Japan suko sa Gilas (39th Jones Cup)
Japan suko sa Gilas (39th Jones Cup)

Japan suko sa Gilas (39th Jones Cup)

 

IKINADENA ng Gilas Pilipinas ang pangatlong sunod na panalo matapos nilang padapain ang Japan, 100-85 kahapon sa 39th Jones Cup sa Taipei Heping Gymnasium.

Tangan ang 3-1 record, makikilatis ang Gilas Pilipinas ngayong araw laban sa matitinik at mabibilis na South Korea sa alas-singko ng hapon.

Malinis sa tatlong laro ang Korea, kasalukuyang nakikipagbuno sila sa Lithuania, habang tinitipa ang istor-yang ito.

Sinandalan ng Filipinas sina Matthew Wright at Christian Standhardinger kontra Japan upang itakas ang mahirap na panalo.

Sa huling pitong minuto sa gourth quarter, lamang pa rin ang Japan, 73-72.

Pinangunahan nina Fil-German Standhardinger at Wright ang 12-0 run ng Pinoys upang makalayo at makahinga nang maluwag bago tumunog ang final buzzer.

Lumuhod sa unang laro ang Gi-las laban sa tigasing Canada bago kinaldag ang dalawang teams ng host country, Chinese Taipei-A at B ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nakasama ang teenager na si Kobe Paras sa staring five para umiskor ng two points.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

 

 

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved