Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 utas sa buy-bust (Sa Maynila)
4 utas sa buy-bust (Sa Maynila)

4 utas sa buy-bust (Sa Maynila)

 

PATAY ang apat hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat, dalawang hindi nakilalang mga suspek ang napatay ng mga tauhan ng MPD-Police Station 10, sa buy-bust o-peration sa isang eskinita sa Callejon Dos, Brgy. 849, sa Pandacan.

Samantala, sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong 11:30 pm nang mapatay ng mga tauhan ng MPD-PS2, sa buy-bust operation ang suspek na si Jonnylon Bangcaya alyas Jumong, 30, miyembro ng Batang City Jail, ng Gate 17, Parola Compound, Tondo.

Kasunod nito, dakong 2:45 am nang mapatay ng mga tauhan ng MPD-PS 2 si Rogelio Mangsat alyas Wewe, 38, miyembro ng Sputnik gang, sa loob ng kanyang bahay sa 541-A Lakandula St., Tondo, Maynila.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved