Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Teleserye nina Nadine at James sa Dos, inaayos na
Teleserye nina Nadine at James sa Dos, inaayos na

Teleserye nina Nadine at James sa Dos, inaayos na

 

ISANG malaking kasinungalingan ang naglalabasang issue na tinanggal na ang young star na si Nadine Lustre sa ilang endorsements nito.

Tsika ng aming source, “Paanong tinanggal si Nadine eh kakapirma niya lang ulit sa kanyang endorsements.

“Like last July 13 nag-sign siya ulit for another year sa Sony at may apat pa siyang mga bagong endorsements.”

READ MORE:  “Hanggang Saan” ng mother and son na sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde matutunghayan na (Parang pelikulang inaabangan)

Hindi rin totoong tinanggal na ito sa It’s Showtime bilang host. ”Mali rin ‘yung balitang tinanggal siya sa ‘It’s Showtime’ dahil kung dati-rati ay semi-regular lang siya ngayon regular host si Nadine, ibig sabihin araw-araw na siya mapapanood.

READ MORE:  Pasok na ang puwet at wala nang korte ang katawan!

“Bukod pa riyan ‘yung gagawin niyang pelikula at ‘yung pelikula nila ni James (Reid) at lalabas din ngayong taon ‘yung album niya, sariling pabango at sariling libro.

“Kaya hindi totoo na marami ang nawala sa kanya dahil sa lumabas na issue dahil mas dumami pa ‘yung proyekto niya.”

READ MORE:  Sharon, muntik na raw pakasalan si Robin noon

Dagdag pa ng aming reliable source na inaayos na rin ang susunod na teleseryeng gagawin ni Nadine at James sa Kapamilya Network.

 

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved