Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Boborol, tinanggihang idirehe noon ang Finally Found Someone
Direk Boborol, tinanggihang idirehe noon ang Finally Found Someone

Direk Boborol, tinanggihang idirehe noon ang Finally Found Someone

 

BAGUHANG director si Theodore Boborol pagdating sa pelikula dahil ang una niyang pelikula ay ang Just The Way You Are (2015) nina Enrique Gil at Liza Soberano at ang Vince and Kath and James nina Ronnie Alonte, Julia Barretto, at Joshua Garcia na kasama sa Metro Manila Film Festival 2016.

Very proud si direk Theodore na siya ang nagdirehe sa launching movies ng mga nabanggit na ngayon ay mga sikat na artista.

At dahil parehong mga baguhan ay tinanong namin si direk Boborol kung paano niya ikukompara ang LizQuen kina Julia, Ronnie, at Josh.

“Siguro ang madali sa mga baguhan ay dumaan kami sa proseso ng workshop together at eager silang i-please ‘yung director. Siguro gusto nilang magustuhan ng director ‘yung trabaho nila, kung ano ‘yung gusto mo (director), sinusunod nila which is mas madali ang buhay,” kuwento ng director.

At kina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ay sobrang ang gaan at dali ng lahat kasi nga matagal na sa industriya at alam na nila ang mga gagawin na hindi na kailangang turuan dahil ang dalawa na mismo ang hahanap ng anggulo nila, ”may input sila kasi nga matagal na sila. It’s a give and take relationship and at the end of the day, hindi naman nagma-matter kung sino ‘yung nagbigay ng input, basta as long as nakakatulong sa istorya,” paliwanag ni direk Boborol.

At dahil malalaking artista nga sina Sarah at Lloydie ay talagang nagulat ang director noong ialok sa kanya ang pelikula at nasambit pa nga niyang, ‘totoo ba ito?’

“Sobrang hindi po ako makapaniwala noong una, sabi ko nga, ‘totoo ba ito?’ In fact tumanggi ako noong una kasi natatakot talaga ako kasi parang 3rd movie ko palang po nakaka-pressure paano kung hindi ito mag box-office, ako lang ‘yung bago sa team, siyempre ako ‘yung masisisi. Biggest fear ko po talaga.

READ MORE:  JM, aminadong pinagsisisihan ang ‘pagkawala’ sa showbiz

“Pero at the end of the day, sinasabi sa akin ng mga producer ko na ‘if you believe that you did your job well and you did good, whether anuman ‘yung outcome niyon, it’s okay at least alam mong hindi mo sino-shortcame ‘yung audience at producers. In other words, ginawa mo naman ang lahat sa project na ito,” say ng baguhang director.

Sa tanong kung sino ang peg ni direk Theodore na direktor, ”siguro Joey Reyes and Jeffrey Jeturian with a dose of direk Olive Lamasan.”

Samantala, binanggit ni direk Theodore na kung kumita ang pelikula ay hindi solo credit ng direktor o ng artista.

“I believe na filmmaking is a group process, hindi dictatorship, hindi puwedeng sabihin na kumita ang pelikulang ito dahil sa director o dahil sa artista.

“For me, it’s a group effort, it’s group work. I’m just the chill laidback director, hindi nga ako nakikitang nagpapa-presscon, nakikita n’yo lang ako ‘pag may project. Chill lang po ako. Kaya ako ganoon kasi gusto ko ‘yung mga artista ko hindi natatakot sa akin, they can be more open with their own shorts, expression lang ako, but it doesn’t mean na minumura kita. Gusto ko lang open ‘yung senses nila para maka-acting sila ng tama. Kaya sa kind of directing ko, mas nagwo-work ‘pag intelligent ‘yung mga artista rin which ganoon sina Sarah and John Lloyd,”pahayag ng direktor.

Habang isinu-shoot ang Finally Found Someone ay hindi nagka-problema ang direktor dahil lahat sila ay magaan katrabaho.

“Kasi ‘yung fear ko na nai-intimidate ako sa kanila (JLC at Sarah) kasi malaking artista sila, nawala lahat, we’re good, we’re okay, it was unfounded because I can truly say na never nilang ipinaramdam na baguhang director ako na sila superstar. At the end of the day, they always asked me as a director if they have some problems with the scenes or they want to ask kung ano ‘yung pinanggagalingan ng eksena instead of dictating na ito ‘yung gusto ko. They tell me kung ano ‘yung concern nila and we work on it with the writers so parang hindi siya ‘yung tipong diktador o primadonna sa set or primadonna na aalis at saka iyon ‘yung pinaka-admirable nilang dalawa,” saad sa amin.

READ MORE:  Matteo, si Sarah lang ang laman ng utak

Paano ang working experience ng baguhang direktor sa mga sikat niyang artista?

“For me, si John Lloyd kasi is really sa artistry. He’s really aiming for artistic growth all the time, it doesn’t want to parang feeling ko at the end of the day whether he’s doing commercial movies or independent film, gusto niya may bago siyang naibibigay sa mga manonood not necessarily sa acting but thru the characters, journey or ‘yung story itself, ayaw niyang sino-shortchange ‘yung audience and so when he acts, he always gives his best. He prepares, kapag may dramatic scenes, hindi mo na nakakausap ng masaya kasi nagpi-prepare siya. He sees to it that he prepares for every dramatic scene that he is going to do.

“With Sarah naman, I really like her transparency, madali siyang basahin, meaning akala ko kasi Sarah Geronimo na siya may kini-keep siya pero once you get to know her masaya siya, masaya siya, kung malungkot siya, malungkot siya hindi ka niya pa-plastikin. In a way, she is like her character in the movie, her character is so transparent and so honest in her emotions. So ‘yun ‘yung na-appreciate ko sa kanya (Sarah) kasi nakikita ko kung ano ‘yung mood niya for the day, madaling basahin and for me that works na nakatutulong ng malaki para sa isang director. If you can be able to read the mood and the feelings of the actors kasi alam mo kung paano hihilahin. Kaya nga po sa movie na ito (Finally Found Someone), kailangan may bago rin akong maibigay.”

READ MORE:  Puro ngawngaw!

Naniniwala ba si direk Theodore na magaling siyang director?

“Ha, ha, ha, parang sabi po nila, pero ayaw ko pong matulad ng ibang director na akala nila Panginoon na sila, ayaw kong mapunta roon ayaw kong maging ganoon na lumalaki ang ulo na hindi na nakikinig ng constructive criticism kasi pag ganoon, walang artistic growth, sobrang bilib sa sarili, nakakatakot,” pahayag pa nito.

May kilala ba siyang director na lumaki na ang ulo? ”Naririnig ko lang, sabi nila, wala pa po, naririnig lang, so far naman lahat ng naka-trabaho ko, hindi naman ganoon, lalo na ‘yung 80’s pa.”

Pelikula vs telebisyon, alin ang mas masarap idirehe?

Ano ang mas fullfiling at interesting, ang magdirehe ng pelikula o teleserye?

“Mas may fulfillment ‘yung movies kasi mas boses mo talaga, at saka siyempre ‘yung manonood, bibili talaga (tickets), pupunta sa mall tapos at the same time, ‘yung proseso itself, isa ka lang na director, sa serye kasi minsan ang dami ninyong director, tapos iisipin mo ‘yung ratings,” esplika sa amin.

Sa tanong namin kung totoong nag-reshoot sila sa Finally Found Someone at itinapon ang 15 days na nakunan na, ”Nabasa ko nga ‘yan kay ‘Fashion Pulis’, hindi po totoo ‘yun, nag-revise po kami ng script kasi kailangan sa mga naunang movie nina Sarah at John Lloyd, may bagong makikita sa manonood, eh, parang mas gusto kasi ng audience nila na more kilig moments, so iyon po ‘yung inilagay din,” tanggi ni direk Theodore.

Mapapanood na ang Finally Found Someone sa Hulyo 26 at makakasama rin sinaJoey Marquez, Yayo Aguila, Dennis Padilla, Alwyn Uytingco, Alexa Ilacad, Christian Babbles, Joj Agpangan, Justin Cuyugugan, Lemuel Pelayo, Axel Torres, PJ Endrinal at iba pa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved