Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bromance at rigodon ng mga actor, nakawiwindang
Bromance at rigodon ng mga actor, nakawiwindang

Bromance at rigodon ng mga actor, nakawiwindang

 

MATUNOG ngayon ang latest bromance na ito sa showbiz, tuloy ay abot-abot ang komento tungkol sa rigodon ng mga nakarelasyon din nila in the past.

“’Di ba, parang proud pa nga ang dalawang itey na ipagbanduhan sa madlang pipol ang kanilang relasyon? Puwes, alam n’yo ba ang may ex-dyowa sila na iisang aktor din? Gulat kayo, ‘no?”

Ang siste pala, nauna munang nakarelasyon ng aktor na ‘yon ‘yung isa sa dalawa. ”As in matagal na ‘yon, noong magkasama pa sila sa iisang estasyon. Tapos, years later, ang nakarelasyon naman niyong isa, eh, ito ring ex niyong isa! Naguguluhan ka ba? Naku, eh, talaga namang nakawiwindang ang mga gay-to-gay relationship, ‘no!”

Pero may karagdagang impormasyon ang aming source, ”Hayaan na natin ‘yung magdyowa ngayon, mukha naman silang masaya sa isa’t isa. Ang nakakaloka, eh, ‘yung parehong ex nila, ‘yun ngang aktor na pagkahaba-haba ng listahan ng mga nagiging dyowa sa showbiz. May directed by, may singer, may kapwa rin aktor, at take note, may afam pa!”

Da who muna ang may bromance ngayon? Itago na lang natin sila sa alyas na Alvin Faustino at Stevedore Markado. At isyogo na lang natin ‘yung ex-dyowa nila sa alyas na Koala

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved