Friday , July 28 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Magkapatid, parehong nai-take home ni beking parokyano
Magkapatid, parehong nai-take home ni beking parokyano

Magkapatid, parehong nai-take home ni beking parokyano

 

KUWENTO ito tungkol sa magkapatid na natuhog ng iisang bekingparokyano.

Unang bumagsak sa bitag si kuya, nai-take home siya nito na knows din pala ang kanyang nakababatang kapatid na pahada rin.

Sumunod na eksena, torno naman ng younger brother na maiuwi ng beki. Dahil alam din nito na kilala ng kanyang customer ang kanyang kuya, kabilin-bilinan nitong, ”Uy, huwag na huwag mo itong maikukuwento kay kuya, ha?”

Umoo na lang ang beki.

Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nagpang-abot ang magkapatid sa bahay ng beki. Nagdayalog ang kuya, ”Uy, ang ganda pala ng bahay mo!”Sumang-ayon naman ang nakababatang kapatid.

Pangisi-ngisi lang ang beki, pero sa loob-loob niya ay parehong echosera ang magsyupatembang. Da who ang pahada brothers na itey?

Isyogo na lang natin ang isa sa kanila sa alyas na Jacob Manaloto.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top