Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lloydie at Sarah tumikim ng ibang director sa bagong movie na “Finally Found Someone”
Lloydie at Sarah tumikim ng ibang director sa bagong movie na “Finally Found Someone”

Lloydie at Sarah tumikim ng ibang director sa bagong movie na “Finally Found Someone”

 

PINATUNAYAN nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, na nagsama na noon sa tatlong blockbusters movies, at ngayon ay muling mapapanood sa big screen sa bago nilang movie na “Finally Found Someone” na kahit walang intimate scene o kissing scene ang dalawa ay tinatangkilik ng fans ang kanilang loveteam.

Well, ayon kina Sarah at Lloydie na humarap sa press sa kanilang grand presscon last Friday ay hindi lang chemistry ‘yung sa kanila kundi isa itong gift ng Itaas na laging bine-bless ang tambalan nila sa movies.

“Basta kakaiba po (siya). Sabi nga niya (Lloydie), it’s a gift. Gift para sa mga tao po siguro, hindi lang para sa amin.

“Kasi talagang we are blessed na binigyan kami ng ganitong klaseng tandem o connection na nakapagbibigay ng happiness.

“As in nagugulat na lang ako dahil napapasaya namin nang husto ‘yung mga tao.

“So I wonder kung bakit gano’n. Basta kung anuman ‘yon, thank you Lord! ‘Yun na lang hahaha,” natatawang pahayag ng sikat na singer-actress.

Para naman kay JLC, aminado siyang may nararamdaman pa rin sila ni Sarah at paliwanag ng mahusay na aktor, “May nararamdaman pa kami, e. Alam mo kasi, imposibleng magawa ang ganitong klase ng pelikula na wala kang nararamdaman. Imposible ‘yon.

“So hangga’t meron tayong maisi-share hangga’t meron tayong mapapaligaya, hangga’t meron kang tamang motivation to do a film like this, bakit hindi?”

Patuloy niya, “Doon nagmumula lahat, kaya we try to keep it real. We try to keep it sincere sa binibigay namin.

“And hangga’t nandoon, hangga’t meron kaming nararamdaman, bakit hindi?”

Samantala ibang kuwento ang “Finally Found Someone” sa mga naunang movies ng John Lloyd-Sarah love team na A Very Special Love (trilogy) at You Changed My Life.

Ibang-iba sina Raffy (Lloydie) at April (Sarah) mula sa pinasikat nilang karakter sa trilogy movie nina Miggy at Laida, pero para kay John Lloyd ay okey lang dahil katuwiran niya, “It ain’t over till it’s over.”

Si Direk Theodore Boborol ang director ng Finally Found Someone at first time nitong maidirek ang popular na tandem na ilang beses hinawakan ng blockbuster lady director na si Direk Cathy Garcia-Molina.

Parte rin ng movie sina Christian Bables ng Die Beautiful, Joey Marquez, Yayo Aguila, Tetchie Agbayani, Dennis Padilla, Leo Rialp, Alwyn Uytingco, Alexa Ilacad, Joj Agpangan, Milo Elmido Jr., Justin Cuyugan, Rubi Ruiz, PJ Endrinal, Lemuel Pelayo, Cara Eriguel, Neggy, Axel Torres at April Matienzo, at may special participation sa said film si Enchong Dee.

Palabas na ito sa cinemas nationwide starting this July 26 (Wednesday).

 

“YES YES YO! TOPACIO”
NI ATTY. FERDIE AT DOK CHE
HAHATAW SA JULY 17
SA DWIZ 882 KHZ

Magsisimula nang sumahimpapawid ang programang “Yes Yes Yo, Topacio” sa darating na Lunes, 17 Hulyo, sa estasyong DWIZ, 882 Kilohertz sa talapihitang AM at maririnig mula Lunes hanggang Bi-yernes, alas 10:00 hanggang 11:00 ng umaga.

Ito ay nationwide at may live streaming pa. Itinatampok bilang host ang batikan at kontrobersiyal na abogadong si Atty. Ferdie Topacio, kasama si Doktor Che Lejano, isang kilalang doktor sa mata at batikang radio, TV at events producer, director at talent.

Komentaryo tungkol sa mga umaatikabong isyung politikal ang malaking bahagi ng programa, ngunit mayroon din mga panauhin upang magtalakay ng sari-saring mga bagay, may social media portion na tinatawag na “Pakita Mong Tweet Mo” blind items at konting kantahan.

Samahan ninyo sina Atorni Ferdie at Dok Che sa isang oras na kasiyahan at baklitaktakan araw-araw mula Lunes. Tara na! Yeah Ba!

 

BAGUHANG YOUNGSTAR
NA SI RINA SY PURSIGIDONG
MAKAPAGTAPOS NG LAW

Hindi man nakapag-portray ng bida role ay happy na ang baguhang youngstar at law student na si Rina Sy at nakalabas siya sa Wattpad Presents ng TV 5 at naging parte ng season one ng top-rating sitcom nina Karla

Estrada at Bayani Agbayani na Funny Ka Pare Ko, na patuloy na napapanood ngayon sa Cinema One.

Si Wilma Galvante ang da-ting nagha-handle ng career noon ni Rina, ngayon naman ay si Atty. Ferdie Topacio ang tumutulong sa kanya para magkaroon ng project at habang nag-aantay ay nakatutok ngayon ang ka-look alike ni Nadine Lustre sa kanyang studies na kumukuha ng kursong legal ma-nagement.

In the future ay type ni Rina na maging corporate lawyer at nang aming tanungin kung ba-kit gusto niyang maging abogado ay narito ang naging tugon niya. “I don’t know, maybe nagustuhan ko ‘yung field ng law.

Sobrang nagiging interesting ‘yung law for me mas marami kang gustong malaman, mas nagiging observant ka sa action ng tao ‘pag ganito pala bawal,” sey ng morenang newcomer na type pala noong maging doctor pero nga-yon nga’y gustong maging tagapagtanggol ng batas.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

 

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com