Tuesday , September 26 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ano nga ba ang pakialam natin kung live-in na sina Nadine at James
Ano nga ba ang pakialam natin kung live-in na sina Nadine at James

Ano nga ba ang pakialam natin kung live-in na sina Nadine at James

 

MUKHANG totoo ‘yung lumabas na balita na nagli-live in na ang magkasintahang Nadine Lustre at James Reid, huh!

Noong kunin kasi ang reaksiyon ng una sa live in issue sa kanila ng huli, ang sabi niya ay, “I’m not gonna confirm, and I’m not gonna deny. But then, ano naman?”

So, base sa naging pahayag na ito ni Nadine, mukhang live-in partner na nga sila ni James, ‘di ba? Kung hindi kasi, dapat ay idi-deny niya ito by saying, “Hindi kami nagli-live in ni James,”

Pero sabi rin naman ni Nadine, ‘but then ano naman?’ Na ang ibig niyang sabihin, anong paki ng iba kung live in sila ni James.

Sabagay, kanya-kanyang diskarte naman ‘yan sa buhay. Kung nag-decide man sila na mag-live in ni James,wala tayong magagawa. Desisyon nila ‘yun, ‘di ba?

At sa panahon naman ngayon eh, uso ang live-in. So, hindi natin masisisi sina James at Nadine kung nagli-live in man sila. Siguro, gusto muna nilang makilala nang husto ang isa’t isa kaya nag-decide silang magsama muna sa iisang bubong bago sila magpakasal.

(ROMMEL PLACENTE)

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
}