Friday , April 19 2024

Aiza, sinorpresa ni Liza sa concert sa Angeles

 

MATAGUMPAY na nairaos ang concert ni Aiza Seguerra sa The Lewis Grand Hotel, Angeles City noong Friday night sa kabila ng malakas na ulan. Ito ay prodyus ng The Better Half actress na si Nadia Montenegro.

May video si Nadia sa concert na naka-post sa kanyang Facebook account na kumakanta ng Pagdating Ng Panahon. May caption ito ng,

“This song is the reason why I had to do this show! Before Boy (Asistio) passed I told him I wanted to get back to producing and organizing shows. He said ‘Tart pagbabalikan mo ang pag-produce si Aiza kunin mo ha.’ Favorite kasi n’ya si Aiza Seguerra sadly ‘di n’ya inabot itong concert kagabi. But kahit wala na s’ya I dedicated this show to him. It was for him. Thank you Aiz for everything. For making Ynna and my dream come true. Your voice, your songs, your passion and your heart are amazing! I love you! Salamat! Salamat! Salamat! You were born to sing and to touch our hearts. From the first song till the end everyone who watched and listened to you fell in love, cried, screamed, got kilig and lahat lahat na. Iba ka AIZA SEGUERRA! God bless you always! Salamat sis Liza Diño-Seguerra & Mommy Caridad Seguerra for completing our night. To your amazing band… sa uulitin. Kahit ikutin pa natin buong Pilipinas alam ko sulit lahat ng pagod.”

Samantala, sinopresa ni Liza Dino-Seguerra si Aiza dahil ang alam niya ay hindi darating ang asawa niya para panoorin siya. Nagulat siya at kinilig nang makita niyang nakaupo ito sa audience. Kinantyawan pa niya ang asawa na may ganoong pakulo.

Nasabi rin ni Aiza na dalawang taon na pala na hindi siya nakakagawa ng album dahil abala na siya ngayon sa kanyang posisyon sa Duterte government. Pero balak niyang isingit na gawin ito ngayon.

Ibang happiness ang naramdaman ni Aiza dahil matagal na rin siyang hindi nagco-concert at biro nga niya ‘desperado’ na siyang tumugtog.

Congrats kina Nadia at Aiza sa success ng Aiza Goes Acoustic At The Lewis.

 

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *