Tuesday , September 26 2017
Breaking News
You are here: Home / News / 14 Jolo inmates tumakas, 3 patay
14 Jolo inmates tumakas, 3 patay

14 Jolo inmates tumakas, 3 patay

PUMUGA ang 14 preso mula sa Jolo Municipal Police Station facility sa Sulu province nitong Linggo ng umaga, ngunit tatlo sa mga tumakas ay napatay sa pursuit operation, ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat ni Sulu Provincial Police director, Senior Supt. Mario Buyuccan, nangyari ang insidente dakong 1:25 am nitong Linggo.

Dagdag ni Buyuccan, sa isinagawang initial pursuit operation, tatlo sa 14 tumakas ay napatay, habang isa ang sugatan, kaya 10 na lamang ang tinutugis.

Hindi nagbigay ng detalye ang opisyal sa 10 tumakas, ngunit sinabing 24 iba pang preso ang nagtangkang tumakas ngunit napigilan sila ng jail guards.

Dagdag ni Buyuccan, patuloy ang isinasagawang pursuit operation ng mga awtoridad laban sa mga pugante.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
}