Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Toto Natividad, malaki pa rin ang bilib kay Jeric Raval
Direk Toto Natividad, malaki pa rin ang bilib kay Jeric Raval

Direk Toto Natividad, malaki pa rin ang bilib kay Jeric Raval

 

NO trouble! Marami ang nagulat kay Jeric Raval nang dumalo ito sa presscon ng pelikula nila nina AJ Muhlach, Ali Khatibi, at Phoebe Walker na Double Barrel (Sige! Iputok Mo) dahil sa magandang babaeng naka-angkla sa kanya.

Proud naman ang nagbabalik na action star sa kasama niya. Anak pala niya (sa former actress na si Monica Herrera) si Janina, 19 years old.

“Tatlo sila. Si Janina desidido na mag-artista. Kasama ko siya kasi pumirma na siya ng kontrata sa Viva Films. Limang taon.”

Stage father na siya? Good thing at pumayag si Monica at hindi nagkaroon ng conflict sa desisyon ni Janina.

“Nag-uusap naman kami ni Monica lalo na if it concerns our kids kaya walang naging problema. Sa limitations, alam naman na ni Janina kung ano ang makabubuti sa kanya.”

Malaki pa rin ang bilib ni direk Toto Natividad sa kakayahan ni Jeric pagdating sa akiyon na nakasama niya sa Ang Probinsyano.

Tried and tested na nga ang kalibre at kalidad kaya ‘di basta mawawala.

HARDTALK – Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved