Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Caloocan chairman todas sa tandem
Caloocan chairman todas sa tandem

Caloocan chairman todas sa tandem

 

PATAY ang isang barangay chairman makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem gunmen sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Francisco Guevarra, 53, residente sa 8th Avenue, chairman ng Barangay 106, Grace Park, at line man ng PLDT.

READ MORE:  Pulis patay sa atake ng NPA, 2 nasagip (Sa Quirino province)

Sa report nina SPO2 Frederick Manansala, PO3 Michael Olpindo at PO2 Adrian Paguian kay Caloocan police chief, S/Supt. Chito Bersaluna, dakong 5:40 pm, naglalakad ang biktima sa M.H. Del Pilar St., nang pagbabarilin ng mga suspek, at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

READ MORE:  Mighty Corp. markado kay Digong (Eksperto sa suhulan at economic sabotage)

Sinabi ng kapatid ng biktima na si Ronald Guevarra sa pulisya, dating nasa drug watchlist si Francisco ngunit nalinis na aniya ang pangalan sa koneksiyon ng ilegal na droga.

READ MORE:  200 Pinoy sumapi sa ISIS (Nakikidigma sa Iraq)

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved