Wednesday , October 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bembol, nag-breakdown sa isang eksena
Bembol, nag-breakdown sa isang eksena

Bembol, nag-breakdown sa isang eksena

 

ANG “I love you!”

Nauna kaming nakapanood ng isa sa anim na pelikulang itatampok sa TOFARM Film Festival (simula ngayong araw, Hulyo.12) na taunang adbokasiya ni Dr. Milagros O. How, ang What Home.Feels Like.

Sina Irma Adlawan at Bembol Roco ang pangunahing mga tauhan dito kasama sina Biboy Ramirez, Rex Lantano, Aaron Rivera, at Bianca Libinting.

READ MORE:  Gov. Vi, Angel Locsin, at Richard Yap, balak igawa ng movie ni Baby Go

Halos lahat ay siguradong makare-relate sa istorya ng mag-anak na ang ama ay sumasakay ng barko at halos nalampasan na ang mahahalagang buhay ng kanyang mag-iina.

Ilang beses sa ilang eksena kaming pinaiyak nina Irma at Bembol—sa pagpaparamdam ng kanilang mga damdaming nagbunga ng mga paglilihim. Nakapagpahina ba ito o lalong nagpalakas sa pagharap nila sa buhay?

READ MORE:  Kevin Balot, nag-glow ang skin dahil sa Finessa Aesthetica

Istoryang para sa buong pamilya ang idinirehe ng bata pang direktor na si Joseph Abella.

Sa likod ng camera ay nagkaroon ng breakdown scene si Bembol. Dahil naalala niya ang kanyang kambal na sina Felix at Dominic sa mga anak niyang kambal din sa pelikula.

Matutunghayan ang eksenang nagkakainan sila after ng graduation ng kanyang kambal na nag-monologo si Bembol. Afer that take, ang tunay na breakdown niya sa naalala sa tunay niyang mga kambal.

READ MORE:  Birthday wish ni Kris: Love…(forget it)

Nasabi niya kaya ang mga katagang, “I love you” sa mga ito? Na mas mahirap talagang bigkasin ng isang ama.

Magdala ng panyo o tisyu sa sinehan. Rated PG by the MTRCB!

HARDTALK – Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved