Tuesday , June 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, bumata at sumeksi
Sylvia, bumata at sumeksi

Sylvia, bumata at sumeksi

 

PINAGHAHANDAAN ni Sylvia Sanchez ang bagong aura niya sa susunod niyang serye kaya bumata siya at pumayat. Gusto niya ay ibang hitsura ang makita sa kanya ng mga televiewer.

Nagseryoso talaga si Sylvia na magmukhang bata para patunayan na effective ang ineendoso niyang BeauteDerm. Nagulat nga ang isang movie press nang masalubong si Sylvia sa ABS-CBN 2 after ng guesting niya sa It’s Showtime dahil fresh itong tingnan. Kung oobserbahan ang dating linya sa mukha niya ay nawala dahil sa pagpahid niya ng naturang product.

“Of course, nakahihiya naman sa ini-endorse ko kung hindi ako magpapapayat, eh halos karamihan ng mga nag-i-endorse ng ganitong klaseng produkto ay mga slim at sexy. Kailangan ko ring makipagsabayan,” deklara niya.

Nagpapasalamat din siya dahil pinagkatiwalaan siya ng CEO ng BeauteDerm na Ms. Rhea Tan.

“Mahirap din kasi ang mataba, nahihirapan akong gumalaw o kumilos,” sambit pa niya.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

 

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved