Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres nakipagmatigasan, ayaw pa ring patalo sa ina
Aktres nakipagmatigasan, ayaw pa ring patalo sa ina

Aktres nakipagmatigasan, ayaw pa ring patalo sa ina

 

DAHIL aktibo sa social media nitong mga nakaraang araw ang aktres na ito’y hindi maiwasang maungkat ang pakikipag-alitan nito sa kanyang mismong ina.

Minsan ay kausap ng aktres ang isang beteranong manunulat.

Pinagpayuhan siya nitong makipag-ayos na sa kanyang ina, pero sa halip na pahalagahan ng aktres ang magandang hangarin ng nagmamalasakit na kausap ay ito pa raw ang kanyang isinagot.

“The next time you bring up that matter again, I swear I won’t talk to you anymore,”malumanay pero halatang asar na sabi ng aktres sa kanyang kausap.

Hindi nagpatinag ang reporter. Anito sa wikang Ingles din, ”But she’s your mother, whether you like it or not.”

Pero matigas ang aktres, ”As I said, I won’t talk to you anymore if you keep telling me that.”

Da who ang aktres na may pusong bato para sa ina, na ewan kung itinakwil na rin siya? Itago na lang natin siya sa alyas na Brenda Garrucho.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved