Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / AJ Muhlach, nagkasakit kaya nagmukhang adik
AJ Muhlach, nagkasakit kaya nagmukhang adik

AJ Muhlach, nagkasakit kaya nagmukhang adik

 

NILINAW ni AJ Muhlach ang ukol sa balitang nalulong siya sa droga kaya ganoon ang hitsura niya.

Aniya nang makausap namin pagkatapos ng Double Barrel na handog ng Viva Films na mapapanood na sa August 2, na nagkasakit siya kaya bumagsak ang katawan niya.

Iginiit pa nitong kinailangang maging ganoon ang hitsura (hitsurang adik) niya sa pelikula dahil iyon ang ginagampanan niyang role.

READ MORE:  Geoff at Aljur, magkapareho ng kapalaran

“At saka may sakit nga po ako ngayon kaya pumayat din. May ano po ako sa gall blader. Andito nga po ‘yung gamot ko, ininom ko kanina sa presscon,” paliwanag pa ng actor na binitiwan na ang imaheng boy-next door dahil ibini-build-up na siya ng Viva bilang newest action star.

READ MORE:  Direk Irene, pressured; umaasang kikita ang Meet Me In St. Gallen

“Hindi rin po ako makakain ng mabuti dahil sa sakit ko ang daming bawal kainin. Hindi pa naman ako naooperahan malalaman pa next month kapag lumiit ang mga polyps, ang dami po kasing polyps. ‘Pag lumiit hindi na ooperahan.

READ MORE:  Jed, kayang-kayang kantahin ang Love On Top ni Beyonce

“Kaya rin po ako pumayat dahil doon. Nag-loose nga po ako ng 8 lbs. eh for 25 days. Nawala rin ‘yung ginagawa kong workout,” paliwanag pa niya.

Kasama ni AJ sa Double Barrel sina Phoebe Walker at Jeric Raval at idinirehe ni Toto Natividad.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved