Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Charo Santos, mas naging daring at adventurous
Charo Santos, mas naging daring at adventurous

Charo Santos, mas naging daring at adventurous

 

“NAGING daring at adventurous ako simula nang mag-retire.” Ito ang tinuran ni Ms. Charo Santos-Concio sa presscon ng Sun Life Financial ukol sa bagong ad campaign nitong Sun Smarter Life na siya ang brand ambassador.

Ayon kay Ms. Concio, mula nang magretiro siya bilang presidente ng ABS-CBN ay mas ginanahan siyang sumubok ng mga bagay na hindi pa niya ginagawa sa buong buhay niya.

Aniya, hindi dapat maging balakid ang edad para gawin ang mga bagay na mas makapagpapasaya sa atin.

Sinabi pa ng host ng Maalala Mo Kaya na, “Nag-enjoy ako mag-parasailing sa Boracay, nagpe-paint na rin ako ngayon. I just launched my leadership book, entitled ‘My Journey’, I met with some of our kababayans in different parts of the country to listen to their stories, this was part of ‘MMK’s’ 25th year anniversary celebration and of course I went back to acting.

“You know, who says 60 is retirement age, no one really retires, it’s a new life, there’s a lot of new adventures, and I still continue to dream, but the dreams are not so much about me na, but for my loved ones, my children most especially and my grand children. After all I worked hard all my life for my children they are my true inspiration,” giit pa ng award-winning actress at sinabing mas iniisip na ang mga mahal niya sa buhay kaysa sarili.

“Pero siyempre, kailangang ma-enjoy ko rin ang mga pinagpaguran ko sa loob ng maraming taon.

“Siguro po, there’s also a sense of serenity and calmness that comes with retirement. I’m open to trying a lot of new things and I get to face my fears. Mas naging daring ako ngayon, and more adventurous when it comes to my perspective in life.

“I live everyday and savor each day as it were my last. And so, all the fruits of my hard earned work are really meant to be a legacy to my children and my grandchildren, gusto ko pong makita na komportable ang maging buhay ng mga anak ko, ng mga apo ko ay makapag-aral at makapagtapos, makamit nila ang kanilang mga pangarap.

“And I think all the assets that I have acquired through the years, can best be enjoyed by my loved ones if I plan about this efficiently and it is through the ‘leaving legacy’ of Sun Smarter Life, na puwede ring pagkatiwalaan ng bawat Filipino,” mahabang paliwanag pa ni Ms. Charo.

Sambit niya, ang Sun Smarter Life ang tutulong sa mga tulad niya para maprotektahan ang mga pamanang iiwanan para sa mga mahal natin sa buhay.

“These are not simply assets but my pamana for my children and apos. This is why estate planning is very important to me. Thankfully, I have this Smarter Life to help me ensure that mo matter what happens, my loved ones will be well taken care of and will not be burdened with estate taxes,” sambit pa niya. “Mas magiging panatag kayo sa Sun Smarter Life. Hindi n’yo na poproblemahin ang pagbabayad ng tax sa maiiwan n’yong pamana. It also gives me peace of mind knowing that when my time comes, my assets will efficiently be transferred to my family.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved