Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / VIP escorts sa NAIA mahigpit na ipinagbabawal ni BI Commissioner Jaime Morente
VIP escorts sa NAIA mahigpit na ipinagbabawal ni BI Commissioner Jaime Morente

VIP escorts sa NAIA mahigpit na ipinagbabawal ni BI Commissioner Jaime Morente

MAHIGPIT na pinaalalahanan ni Commissioner Jaime “Bong” Morente ang kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bawal ang escort at VIP treatment sa Bureau of Immigration (BI).

Inihayag ito ni Commissioner Morente, matapos pumutok sa balita na si gaming operator Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto ay binigyan ng VIP treatment sa NAIA nitong 2 Hulyo 2017.

Dahil sa nasabing insidente, agad pinaimbestigahan ni BI Port Operations Division chief Marc Red Mariñas ang mga naglabasang ulat.

Nabatid na walang sangkot na Immigration Officer kundi isang retiradong pulis na kinilala sa pangalang Ciriaco Peralta.

Nakakuha umano ng pass sa pass control office si Peralta at ginamit niya sa pag-escort kina Ang at Barretto.

Magkasama sina Atong, Gretchen, at ang kanilang grupo na dumating sa NAIA Terminal 1 mula sa flight galing Bangkok, Thailand.

Namataan umano si Peralta nang ipaalam sa isang tauhan ng BI Border Control and Intelligence Unit na siya ang escort na susundo kina Gretchen at Atong.

‘Yan ay kahit mahigpit na ipinagbabawal ng BI ang pagbibigay ng VIP treatment upang mapabilis ang pagdaan sa Immigration ng dumarating o umaalis na airport passengers.

Kilalang malapit na kaibigan ni Gretchen at ng longtime partner ng aktres na si Tonyboy Cojuangco si Atong Ang.

Si Atong ay gaming operator ng online jai alai ng Meridien Vista Gaming Corp, habang si Gretchen ay kilalang masigasig sa pagpo-promote ng Okada Manila.

Business partner ni Tony Boy ang Japanese billionaire na sinabing may-ari ng nabanggit na hotel and casino.

Isa tayo sa matutuwa kung mahigipit na maipapatupad ang memorandum ni Commissioner Morente.

Kasi naman bukod tanging dito lang sa ating bansa mayroong VIP treatment sa NAIA. Sa ibang bansa naman normal lang ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa airport, hindi nila kailangan ng VIP treatment at escort.

Kaya natutuwa tayo kung tuloy-tuloy na maipapatupad ang atas ni Commissioner Morente.

Kudos Commissioner! Go chief Red Mariñas!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D’yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com