Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia Sanchez na-challenge sa kakaibang papel sa Ipaglaban Mo
Sylvia Sanchez na-challenge sa kakaibang papel sa Ipaglaban Mo

Sylvia Sanchez na-challenge sa kakaibang papel sa Ipaglaban Mo

MULING sumabak sa drama ang award winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez. After magwakas ng top rating series na The Greatest Love na pinagbidahan niya, muling mapapanood ngayong Sabado ng hapon ang premyadong Kapamilya aktres sa episode ng Ipaglaban Mo.

Kasama niya rito sina JC Santos na gaganap na piping anak niya. Tampok din dito sina Nico Antonio, Benj Manalo, at Joe Vargas. Ito’y mula sa direksiyon ni Mervyn Brondial at panulat ni Denise O’hara.

Sa episode na mapapanood this Saturday, gumaganap si Ms. Sylvia bilang ina ni Karlo (JC) na pinahahalagahan nang labis ang kanyang anak. Si JC naman ay isang pipi na makasasaksi ng isang krimen.

Kakaibang challenge ba ang role niya rito dahil pipi ang papel ng anak niyang ginampanan ni JC?

Sagot niya, “Kakaibang challenge, yes, kasi ako lang nagsasalita, walang sumasagot sa akin at tahimik masyado ang mga eksena. Sanay kasi akong may kausap, may kabatuhan ng linya at may nang-aaway sa akin. Tapos, biglang ngayon, ang anak ko hindi nakapagsasalita, ang tahimik.

“At kailangan maintindihan ng mga tao ang sinasabi kong dialogue at sign language, para alam nila ang nangyayari at maintindihan ang usapan naming mag-ina.”

Na-miss po ba ninyo ang pag-acting after ng TGL? “Hindi naman, kasi naka-program akong magpapahinga at tanggalin muna si Gloria sa sistema ko.

“Ang nami-miss ko, mga co-actors ko sa TGL, staff, crew… iyong kulitan namin ng cast habang araw-araw ang taping. Iyan ang mga nami-miss ko.”

Aminado rin ang mother nina Arjo at Ria Atayde na may halong excitement na naramdaman siya sa naturang episode ng Ipaglaban Mo na bahagi ng 3rd anniversary nito.

“Oo, kasi first time ko kasi na gaganap na nanay sa isang batang hindi nakapagsasalita. At challenge, kasi magsa-sign language ako. Hindi ko alam kung magiging smooth lahat, kasi mahirap iyong gagampanan kong role,” pahayag pa ni Ms. Sylvia.

Abangan ang #IMtestigo ngayong Sabado, 3pm pagkatapos ng It’s Showtime, sa Ipaglaban Mo!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved