Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Resorts World Manila victims’ family humihirit
Resorts World Manila victims’ family humihirit

Resorts World Manila victims’ family humihirit

MATAPOS magkuwenta at mapagtanto na kulang ang inialok sa kanila ng Resorts World Manila (RWM), biglang humirit ang mga pamilya ng biktima sa nasabing pag-atake ng aburidong si Jese Carlos.

Ayon sa Public Attorney’s Office said Monday, “Maliit po ‘yung offer. Naliliitan po ‘yung mga kaanak dahil ini-compute po namin yung life expectancy… napakaliit po ‘yung offer, wala pa pong 50 percent,” ani PAO chief Atty. Persida Acosta, kinatawan ng 10 pamilya mula sa mga baiktima.

“Sana po naman, kung nagmo-monitor sa inyo si Mr. Andrew Tan, i-settle na lang niya ito kaysa bakbakan pa sa korte,” ani Acosta.

“Ang punto riyan, ayusin na nila ‘yung danyos, talaga namang may damages d’yan e,” pahayag ng abogado.

Aba e kahit kayo ang malagay sa pamilya ng mga biktima, ‘e sino nga naman ang papayag na ganyan ang makuha nila?

Hindi lang ‘yan, safe na ba talaga ang RWM matapos ang insidente ng pag-atake ni Jessie Carlos?!

‘Yun dapat ang tinitiyak ng RWM.

Kaya ang tanong, bakit pinayagan mag-operate ang Resorts World Manila?!

Bukod sa hindi nagpabatid sa publiko ‘e na-ging parang tahimik na tahimik ang ‘muling’ pagbubukas.

Business as usual na ba talaga ang Resorts World Manila?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Untouchable MPD ‘Kotong’ Tandem (Attn: CPNP DG Ricardo Marquez)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved