Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bagyong-bagyo si attorney ‘OJT lover’ ngayon! (Attn: SoJ Vit Aguirre)
Bagyong-bagyo si attorney ‘OJT lover’ ngayon! (Attn: SoJ Vit Aguirre)

Bagyong-bagyo si attorney ‘OJT lover’ ngayon! (Attn: SoJ Vit Aguirre)

GUSTO nga pala natin batiin ang isang liar ‘este lawyer diyan sa BI sa kanyang promotion!

(Na naman?!)

Imagine after maging OIC manager ng BI field office sa isang highly exclusive place sa Taguig si utorne ‘este attorney, in addition pa raw ngayon ang kanyang pagiging Alien Control Officer sa isa ring juicy field office malapit riyan sa kanyang opisina!

Wattafak!?

‘Di lang pala siya uma-aura-aura kundi pa-peeza-peeza pa?!

Sus ginoo!

Parang pesang dalag lang ha?!

Kasuwerte naman talaga ni kolokoy!

Kung meron nga raw maasim, maanghang na maanghang naman ang dating ngayon nitong si panyero!

Parang ‘paminta’ ba sa anghang!?

Imagine mula pa noong time ni Commissioner Mison, isa na siya sa mga trusted men ng lolo ninyo!

Tapos hanggang ngayon nandiyan pa rin siya kahit alam ng lahat na solidong bata siya ni Lola Leila de limaw ‘este Lima!

All weather nga siya e!

Talagang bukod kang pinagpala, idol!

Ano kaya ang ipinainom at ipinakain niya sa mga kasalukuyang nakaupo para siya’y biyayaan nang labis-labis na suwerte?

‘Di kaya golf buddy rin siya gaya ng isang overstaying ACOs diyan sa Calabarzon at Angeles na saradong bata-batuta ni Mison?

By the way, ano ba itong nakarating sa atin na para rin daw recruiter si lawyer ‘Lakas-Paminta?’

Maraming nagagalit sa asal niya kasi gusto na raw kopohin ang lahat ng pera ‘este transaksiyon sa kanyang opisina?!

Pak pak, ganern?!

Masyado bang greedy si panyero?

‘Di lang daw kasi visa applications ang kinakana niya kundi maging mga kuwestiyonableng dokumento ay naaayos at nakalulusot din daw nang walang kahirap-hirap?

At ang pinakamalupit sa lahat, ‘di na raw dumadaan sa BI main office ang approval at implementation ng mga approved visa, kasi nga sa mismong opisina niya, sila na rin ang nag-a-agenda?

Sonabagan!

E ‘di talaga palang matigas ang mukha ‘este ang kalibre ni attorney OJT lover?!

‘Di lang siya kasing-anghang ng paminta kundi ‘all seasons’ pa?!

Kaya naman pala ganoon na lang siya kung mag-offer ng goodwill sa kanyang opisina dahil sandamakmak naman pala ang grasyang pumapasok sa kanya ngayon?

Kaya naman noong minsang nagplano siyang magpa-deliver sa isang bagong upo na bossing ng Bureau, semplang to the max ang inabot niya!

Well, gano’n pa man ‘di pa rin siya natinag at tuloy-tuloy pa rin ang Jollibee delivery niya?!

Super bagyo talaga ha?!

Ang tanong, alam naman kaya ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre ang totoong karakas at kulay ni super paminta ‘este attorney?

Matuwa naman kaya si SOJ kung malaman niya isang die-hard De Lima follower ang isang pinagpalang abogago ‘este abogado sa Bureau ngayon?

Well, well, well!

Let us wait and see!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved