Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Aburido na si Trillanes

Aburido na si Trillanes

00 Kalampag percyMGA duwag, mga tuta, mga bahag ang buntot, mga sipsip, etc.

Ganyan inilarawan ni Sen. Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV ang klase ng mga kasamahan ni-yang mambabatas sa Senado.

Ayon sa dating military coup plotter turned politician, bukod sa Philippine National Police (PNP) ay tinawag ni-yang “one of the most damaged institutions” ang Senado mula raw nang maluklok si Pang. Rodrigo R. Duterte sa puwesto.

Aniya, “wala na, hindi na matatawag ngayon na bastion of democracy o pader ng demokrasya ang Senado gaya noon.”

Teka, para yatang narinig na natin ang mensaheng ‘yan sa isang lumang awitin na pinamagatang “Banal na Aso, Santong Kabayo!”

Aba’y, nakababahala kapag ganyan kaires-ponsable ang mamumutawing pananalita mula sa isang mataas na opisyal sa pamahalaan, na bale ba ay isang senador pa man din na naturingan.

Sintomas na kaya na “there is already something wrong” kay Trillanes para palitawin na ma-liban sa kanya ay puro wala na sa huwisyo ang mga kasamahan sa Senado?

READ MORE:  ENDO sa uno huwag sanang mapako

Sand of the beach!!!

CREDIBILITY CRISIS

NAGSASALITA si Trillanes pero mukhang hindi alam ang kanyang mga sinasabi, at sakaling maparatangang amok na nagwawala ay ‘wag na ‘wag siyang mapikon.

Masakit man sabihin ay bagsak ang kredibi-lidad ni Trillanes kaya wala nang sumiseryoso sa kanyang mga pinagsasasabi.

At ang masama ay ginagawa pang tampulan ng katatawanan ang senador, lalo ng mga netizen sa social media dahil sa kanyang credibility crisis.

Kumbaga sa larong basketball ay puro dribol lang kasi si Trillanes, pero kahit isang beses ay walang mai-shoot na bola para umiskor kaya ang nalabing paraan na lang ay idamay ang iba sa kanyang pagbagsak at ituring na kaaway pati ang mga kasamahang senador.

Sa isang banda, may katotohanan din naman ang mga tirada ni Trillanes sa mga kasama-hang senador.

Ang problema kay Trillanes ay minamasama ang iba, pero kapag siya ang magsisipsip o magpapagamit ay hindi masama.

READ MORE:  Gen. Albano is new Region 4-A PNP director

Bakit hindi na lang kaya mag-resign si Trillanes bilang senador kung sa palagay niya ay wala nang silbi at pag-asa ang senado?

Baka sakaling maibangon pa ni Trillanes ang naaagnas niyang kredibilidad kung magbibitiw muna sa puwesto bago pagbabanatan ang mga kasamahang senador at ang Senado.

Sana ay subukan din ni Trillanes na mamundok tulad ng ilan na nawalan nang pag-asa na ‘di nababagay sa sibilisadong lipunan na ang uri ng labanan ay bangasan ng utak at pingkian ng katuwiran.

ATTENTION: DOLE AT SSS

ISANG reklamo na harinawa ay makaabot sa kaalaman ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Social Seurity System (SSS) laban sa isang gasoline station sa Cagayan de Oro.

Ang mensahe mula kay Queenie Ganinay ng Cagayan de Oro ay ipinarating sa pamamagitan ng “ISUMBONG MO KAY DUTERTE” isang Facebook page na ating binuksan noong 2015, ay self explanatory: “May irereklamo lang po sana ako tungkol sa isang kompanya po dito sa Cagayan de Oro, gasoline station po ito, Flying V, sa Kauswagan highway.

READ MORE:  Bakit gastos ng titser ang uniporme ng mga atleta?

Seven-years na nagtatrabaho ang live-in partner ko po sa kompanya, ‘yung sahod n’ya ay P240 lang po isang araw. Tapos, nu’ng nag-inquire po kami sa SSS po n’ya ay wala pong remittance.

Magsasara na po ang kompanya ngayong July 7, kailangan na kailangan po namin ang tulong n’yo. Sana po ay matulongan n’yo po kami para sa anak namin na nag-aaral pa lang po ngayon, ‘di namin alam kung saan kami kukuha ng panggastos namin para sa kanya at para sa pang-araw-araw naming panga-ngailangan.

Sana po matulongan at maaksiyonan n’yo po ang mga reklamo naming. Maraming salamat po!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved