Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sa pagre-resign ni Tolentino sa MMFF — Indie lineup sa MMFF 2017, naetsapuwera
Sa pagre-resign ni Tolentino sa MMFF — Indie lineup sa MMFF 2017, naetsapuwera

Sa pagre-resign ni Tolentino sa MMFF — Indie lineup sa MMFF 2017, naetsapuwera

HINDI pa man nagsisimula ang  MMFF 2017 ay may kontrobersiyal na agad ito. Nag-resign kasi bilang isa sa members ng executive committee nito si Roland Tolentino. Hindi niya tanggap ang apat na pelikulang napili para mapasama saMMFF 2017, na ang mga ito ay ang Ang Panday, Almost Is Not Enough, The Revengers, at Love Traps #Family Goal.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Roland na, ”Mga mads, may confidentiality clause sa MMFF. Don’t ask me to explain. The results of the script selection speak for itself.

“Patunay ang MMFF script selections na tunay ang hidwaan ng komersiyal at kalidad, tunay din may kapangyarihan ang komersiyal interes.”

Inihayag din ng dating MMFF 2017 Execom member na naitsapuwera ang indie sa lineup ng festival ngayong taon.

“Patunay ang MMFF script selections na walang interes burahin ang indie at mainstream distinksyon. Ang nabura, ang indie.”

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved