Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagkasalaula ng aktres, naiuwi pa sa bahay
Pagkasalaula ng aktres, naiuwi pa sa bahay

Pagkasalaula ng aktres, naiuwi pa sa bahay

PASINTABI muna sa mga mambabasang nagkataong kumakain habang hawak ang kopya ng Hataw ngayon, tiyak kasing mapapa-”Yuuuuccckkk!” kayo sa kuwentong ebak na ito tungkol sa isang aktres na napapanood n’yo sa TV tuwing araw ng Linggo.

Hindi pa rin kasi malimutan ng ilang tao ang minsang naganap sa set ng ginagawa niyang pelikula. Breaktime ‘yon ng buong cast at crew ng produksiyon, may kanya-kanyang rasyon ng pagkaing nakalagay sa styrofore ang bawat isa.

READ MORE:  Jose Manalo, nagtungo ng Las Vegas para magpakasal

Pagkakain ay nakaramdam ng matinding tawag ng kalikasan ang aktres. Dahil wala itong makitang CR na puwedeng pagparausan ng sasabog na niyang chorva, minabuti niyang tuwaran ang pinagkanang styro. Kaso, pagkatapos niyang maitawid nang maluwalhati ang kanyang problema, sa labis na pagmamadali dahil kukunan na ang kanyang eksena’y naihilera niya ang kawawang styro na ‘yon sa iba pang nakabalot na lafang.

READ MORE:  Maricel, posibleng mawalan ng project dahil sa pagiging unprofessional

Eto na, nang ma-pack up na ang shooting, walang kaalam-alam ang alalay niya na ibinaon ang mga patong-patong na styro at iniuwi sa bahay ng aktres. Para hindi masira’y inilagay ng alalay ang mga ‘yon sa ref.

READ MORE:  Dating PBB housemate, nabawasan ang appeal dahil sa nose job!

Came dinnertime. Laking gulat with matching pagkapahiya ng aktres nang tumambad sa kanya ang mismong ebak niya! Da who ang salaula rin palang aktres na itey?

Isyogo na lang natin siya sa alyas na Ynez Edralin.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved