Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pacquiao ‘tinoro’ ni Horn (Aussie nakasikwat ng kampeonato)

Pacquiao ‘tinoro’ ni Horn (Aussie nakasikwat ng kampeonato)

070317_FRONT
ITINAKAS ng hometown hero na si Jeff Horn ang kontrobersiyal na unanimous decision win kontra Manny Pacquiao upang tanghaling bagong kampeon ng WBO Welterweight kahapon sa Battle of Brisbane sa Suncorp Stadium, Australia.

Iniskor ng tatlong hukom na sina Waleska Roldan, Chris Flores at Ramon Cerdan ang laban sa 117-111, 115-113 at 115-13 na pumabor lahat kay Horn.

READ MORE:  Pampi Jr nagpalusot ng barko-barkong semento (Faeldon niresbakan si Ping)

Nagpalitan ng kargadong suntok ang dalawang boksingero sa kabuuan ng 12 rounds ngunit mas maraming tumamang suntok si Pacquiao na nagresulta sa maga at sugatang mukha ni Horn. May tama rin si Pacquiao sa ibabaw ng mata dahil sa mga headbutts at banggaan.

Ayon sa Compubox, napatama ni Pacquiao ang 182 sa 573 suntok na ibinato para sa 32 porsiyento habang 92 mula sa 625 para sa 15 porsiyento lamang ni Horn. Sa power punches naman, lamang pa rin si Pacquiao, 123 kontra 73.

READ MORE:  Pribatisasyon ng 72 public hospitals tinuligsa ng CPP

Umani ng batikos mula sa mga sikat na atleta at celebrities sa buong mundo ang na-ging resulta ng laban.

READ MORE:  7 Chinese nat’l arestado sa underground shabu lab

Bumagsak sa 59-7-2-38 KO ang kartada ng 38-anyos na si Pacquiao at natalo sa ikaapat na pagkakataon sa huling 9 na salang habang napakawalan din ang WBO belt.

Umakyat sa 17-0-1 ang 29-anyos na si Horn at nanatiling walang talo sa papasibol na karera.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top