Friday , July 28 2017
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacquiao ‘tinoro’ ni Horn (Aussie nakasikwat ng kampeonato)

Pacquiao ‘tinoro’ ni Horn (Aussie nakasikwat ng kampeonato)

070317_FRONT

ITINAKAS ng hometown hero na si Jeff Horn ang kontrobersiyal na unanimous decision win kontra Manny Pacquiao upang tanghaling bagong kampeon ng WBO Welterweight kahapon sa Battle of Brisbane sa Suncorp Stadium, Australia.

Iniskor ng tatlong hukom na sina Waleska Roldan, Chris Flores at Ramon Cerdan ang laban sa 117-111, 115-113 at 115-13 na pumabor lahat kay Horn.

Nagpalitan ng kargadong suntok ang dalawang boksingero sa kabuuan ng 12 rounds ngunit mas maraming tumamang suntok si Pacquiao na nagresulta sa maga at sugatang mukha ni Horn. May tama rin si Pacquiao sa ibabaw ng mata dahil sa mga headbutts at banggaan.

Ayon sa Compubox, napatama ni Pacquiao ang 182 sa 573 suntok na ibinato para sa 32 porsiyento habang 92 mula sa 625 para sa 15 porsiyento lamang ni Horn. Sa power punches naman, lamang pa rin si Pacquiao, 123 kontra 73.

Umani ng batikos mula sa mga sikat na atleta at celebrities sa buong mundo ang na-ging resulta ng laban.

Bumagsak sa 59-7-2-38 KO ang kartada ng 38-anyos na si Pacquiao at natalo sa ikaapat na pagkakataon sa huling 9 na salang habang napakawalan din ang WBO belt.

Umakyat sa 17-0-1 ang 29-anyos na si Horn at nanatiling walang talo sa papasibol na karera.

ni John Bryan Ulanday

Colon cancer naglaho sa Krystall herbal fungus

DEAR Sis Fely Guy Ong,

Ako si Cristina Añonuevo, 54 years old, nais ko po lamang ipamahagi ‘yung patotoo namin tungkol sa karamdaman ng aking mister na nagkaroon ng bukol sa colon o ‘yung daanan niya ng dumi.

Naoperahan po ang aking mister noong June 15, 2015 upang alisin ang bukol, at ayon sa manggagamot, pagkatapos daw ng operasyon ay dapat daw masundan ito ng chemotherapy at radiation para sa kaso ng aking mister.

Subalit naalala ko ‘yung tinalakay ni Sister Fely Guy Ong na ang cancer ay nasa ‘init’ at hindi makabubuti ang radiation at chemotherapy kapag ganitong nasa init ang lagay ni Mister.

Ang kailangan ay mabalanse ang init at tanging ang Krystall Herbal Fungus ang kayang tumugma sa init ng anomang cancer.

Awa po ng Diyos, sa pag-inom po ni Mister ko ng Krystall Herbal Fungus ng tig-tatlong piraso tatlong beses sa isang araw sa loob ng ilang buwan ay humusay, guminhawa at lumakas ang katawan niya.

Ganoon din pati ang kanyang pagdumi ay naging normal po.

Maraming salamat kay Sister Fely Guy Ong sa kanyang mga paggabay at sa kanyang medikasyon na Krystall Herbal Fungus na nakatulong sa paggaling ng karamdaman ng aking asawa.

Maraming Salamat.

 

Nagpapasalamat,

Sis Cristina Añonuevo

108 M.S del Pilar St.,

Sto. Tomas, Pasig City

 

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa  telepono bilang (02) 853-09-17 o  852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.

 

magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.

 

NATURE’S HEALING (Back to Basic) – Fely Guy Ong

 

 

 

A Dyok A Day: Old maid’s prayer

Dear Lord. Hindi ako hihiling para sa sarili ko, kundi para po sa aking mga magulang. Please lang po bigyan na ninyo sila ng manugang! Amen.

***

Sex is like mathematics:

Add the bed, minus the lights, subtract the clothes, bring down the panty, divide the legs, be ready to multiply….

***

Erap: ‘Doc, I accidentally swallowed a chicken bone!’

Doc: ‘Is it choking?’

Erap: ‘No, it is Max’s.’

Doc:  ‘I don’t mean ‘Chow King’, I mean, are you choking….’

Erap: ‘No, Doc! Serioso ako, Doc!’

 

 

Panaginip mo, Interpret ko: OFW nanaginip na HIV positive

Dear Señor H,

Ano po ba ibig sabihin ng panaginip ko na may HIV daw ako at pinauwi daw ako ng Pinas? Ang totoo ‘di naman ako nakipag-sex dito at busy nga sa trabaho, bakit ganun ang panaginip ko? – ADZ IAN KHO

 

To ADZ IAN KHO,

Kapag nanaginip na mayroon kang sa-kit o karamdaman, ito ay nagsasaad ng despair, unpleasant changes, or some emotional breakdown.

Maaaring ito ay symbolic ng iyong inabi-lity to cope with a situation. Nakikita mo na ang pagkakasakit is an easy way out. Sa mas direktang isinasaad nito, ang panagi-nip na ito ay maaaring senyales din o nagpapaalala sa iyo na dapat bantayan nang mas maigi ang iyong kalusugan, lalo sa lugar na apektado o konektado sa napanaginipan mo.

Sa partikular na ganitong panaginip, na mayroong terminal illness or disease, maaaring nagsasaad na ikaw ay nabubuhay on ‘borrowed time.’

Ang panaginip na ganito ay nagpapaalala rin sa iyo na ang buhay ay lubhang mahalaga and that you need to make the most of your time everyday.

Alternatively, ang ganitong panaginip din ay nagsasaad ng hopelessness, grief and self-pity. Makabubuting alamin kung anong area sa iyong buhay ang nagiging rason ng ganitong pakiramdam.

Kung nanaginip naman na may HIV o AIDS, nagpapakita ito na ang iyong psychological integrity is being attacked. Pakiwari mo, ikaw ay defenseless, weak, at powerless.

Kung sa panaginip mo, ang iyong partner ay may ganitong karamdaman, nagsasaad ito na ikaw ay nasa isang unhealthy o destructive na relasyon. Mayroong bagay na hindi ninyo sinasabi sa isa’t isa.

Kapag nanaginip na may taong may HIV o AIDS, nagpapakita ito ng pangangaila-ngan mong mas maging compassionate at sympathetic sa ibang tao.

Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaaring isang pun on “aid.” Maaaring may taong nangangailangan ng tulong mo sa isang bagay. Maaari rin naman na ang bu-ngang-tulog mo ay bunsod ng pangamba ng posibilidad na magkaroon ng STD, kaya naging ganyan ang tema ng panaginip mo.

Kahit hindi mo ginagawa na makipag-sex sa iba posibleng nasa subconscious mo iyon dahil pumapasok sa isip mo na tigang ka o dahil tigang ka talaga sa sex. Mabuti naman iyan, dahil aware ka sa posibilidad na consequence kung hindi mag-iingat at basta-basta na lang sasabak sa sex. Señor H

 

Ang Zodiac Mo (July 03, 2017)

Aries  (April 18-May 13) Hindi ka na iistorbohin ng iyong mga kaaway at hindi ka na rin bubulabugin ng iyong mga kaibigan.

Taurus  (May 13-June 21) Ang friendly mood ay hindi lamang garantiya sa matagumpay na araw para sa trabaho kundi susi rin sa magandang kalusugan.

Gemini  (June 21-July 20) Mainam ang araw ngayon sa paghahanda para sa party o date.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Nakatuon ka ngayon sa pakikipag-bonding sa mga miyembro ng pamilya.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Mainam na talakayin muna ang proyekto imbes na agad lumundag dito.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Makararamdam nang walang kasiguruhan sa personal na buhay.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Posibleng maging apektado ang buong araw ng hindi magandang pangyayari.

Scorpio  (Nov. 23-29) Kailangan mo nang higit pang suporta mula sa partner, kaibigan o kaanak.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Mararamdaman na higit kang “at home” sa grupo ng mga kaibigan kaysa inyong tahanan.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Ang hindi magandang pakiramdam ay posibleng makahadlang sa iyong mga plano.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Walang makapipigil sa iyong ipakita ang iyong sariling kakayahan.

Pisces  (March 11-April 18) Ang plano ay hindi magiging madaling maipatupad ngayon, kailangan ng pagrerebisa rito.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Sisikapin na maging independent upang hindi na umasa pa sa iba.

 

ni Lady Dee

 

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top