Friday , July 28 2017
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacquiao nadisgrasya kay Horn
Pacquiao nadisgrasya kay Horn

Pacquiao nadisgrasya kay Horn

NIYANIG ni Jeff Horn ang buong mundo matapos nitong agawan ng ti-tulo si Manny Pacquiao via unanimous decision kahapon sa mismong lugar nila sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Naging agresibo si Aussie boxer Horn sa kaagahan ng rounds kaya naman pinaboran siya ng mga hurado nang bigyan ito ng 117-111, 115-113, 115-113 iskor matapos ang  12 rounds  upang  tanghaling bagong World Boxing Organization (WBO) welterweight champion.

Dalawang beses nakatikim ng headbutts si 38-year-old Pacquiao, una sa round six hindi pa nakontento si Horn ay binigyan pa ng isa ang Pinoy sa se-venth.

Pero nanaig pa rin ang kabaitan ni Pacquiao at tinanggap pa rin ang pagkatalo.

“He deserves the win, no complaints,” saad ni fighting senator Pacquiao. “I was about to finish him but he survived.”

Maangas na sinagot ni Horn ang tanong sa kanya kung gusto niyang magkaroon ng rematch, dali itong sumagot ng “Yeah bring it on.”

Sa round 9 pinilit ni Horn na manatili sa laban nang gulpihin siya nang todo ni Pacquuiao.

Samantala, maraming hindi kombinsido sa panalo ni Horn, ilan sa kanila ay sina former NBA star Kobe Bryant at former world heavyweight champion Lennox Lewis.

“This is what’s wrong with boxing. Horn was very game but I’m hard pressed to see how he could have won that fight by any stretch!” hayag ni Lewis sa tweet.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top