Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin first time sasabak na producer sa “Ang Panday” sa MMFF 2017 (Traydor na rebelde at lider ng militar bagong makakalaban sa Book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano)
Coco Martin first time sasabak na producer sa “Ang Panday” sa MMFF 2017 (Traydor na rebelde at lider ng militar bagong makakalaban sa Book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano)

Coco Martin first time sasabak na producer sa “Ang Panday” sa MMFF 2017 (Traydor na rebelde at lider ng militar bagong makakalaban sa Book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano)

NAKAILANG pelikula na rin sa Metro Manila Film Festival si Coco Martin, pero this year dahil sa pagkakapili ng remake niyang pelikula ni FPJ na “Ang Panday” sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak si Coco hindi lang artista sa pagbibidahang movie kundi bilang director nito at producer.

Kaliwa’t kanang pagbati ang natatanggap ngayon ni Coco para sa kauna-unahang proyekto na siya lahat kasama ng kanyang buong production team.

At dahil unang sabak sa pagpo-produce sa ilalim ng kanyang CCM Creative Productions, Inc., ay panay ang brainstorming ng grupo ni Coco para sa ikagaganda ng malaking proyekto ng Hari ng Telebisyon sa festival.

Sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan ang magiging co-star at leading lady ni Coco pero posibleng may kukunin sa kanyang mga co-actor sa super hit na seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na sa latest survey ng Kantar Media National TV Ratings ay nananatili pa ring number one ang Book nito sa ABS-CBN Primetime Bida sa rating na 37.6 percent.

Speaking of Ang Probinsyano, pareho pa ring nagdadalamhati ang mag-asawang Cardo (Coco) at Alyanna (Yassi Pressman) sa pagkamatay ng anak nilang si Ricky Boy, na isa sa nasawi sa pagsabog ng bomba sa mall.

Sa labis na pangungulila sa anak ay hindi na kumakain si Cardo at naglalasing sa kasabikan sa anak na napanaginipan pa niyang buhay. Si Alyanna patuloy na nilalabanan ang matinding kalungkutan at lumalaban siya para sa kanila ni Cardo na dinadamayan niya sa matinding pagsubok na pinagdaraanan nila ngayon dahil sa trahedyang nangyari sa kanilang pamilya.

Pumalag na si Cardo, hinding-hindi siya titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ricky Boy na kagagawan ng rebeldeng si Homer (Jhong Hilario) na utak ng mga pagpapasabog at tumatraidor sa lider nilang si Romulo Dumaguit (Lito Lapid) sa rebeldeng grupong Pulang Araw.

Pero bukod kay Homer at sa kasamahan na si Roldan (Ronwaldo Martin) may dalawa pang matitinding makakalaban si Cardo sila ay sina Director Renato Hipolito at Major Manolo Catindig na mga lider ng militar na nakikipagsabwatan sa mga terorista.

Dapat ay talasan din ni Brigadier General Diana  (Angel Aquino) ang kanyang pang-amoy dahil ang mga kasamahan niyang ito ay involve din sa pagkamatay ng kanyang anak na si Joel (Marco Gumabao) na kabilang sa mga nasawi sa pagsabog ng mall.

Humanda na kayo sa pagtugis sa inyo ni Cardo sa pagpapatuloy ng FPJ’s Ang Probinsyano na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.

#KILIGPAMORE HILING
NG FANS SA KIMERALD
SA “IKAW LANG ANG IIBIGIN”

Siguradong #kiligpamore ang libo-libong Kimerald fans dahil makaraan ang maraming taon, muling naghalikan sina Kim Chiu at Gerald Anderson isang episode ng “Ikaw Lang Ang Iibigin.”

Ito’y nangyari nga sa mas umiinit pang kuwento ng kanilang top-rating daytime series na first triathlon soap opera sa bansa na opisyal nang magdyowa sa istorya bilang sina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim).

Sa panayam kay Gerald, ikinuwento niya kung paano nila ginawa ni Kim ang kanilang kissing scene. Hindi na raw sila masyadong nagkaila-ngan

ng kanyang loveteam dahil naging komportable na uli sila sa isa’t isa. “We’re back! Kimerald is back kasi nag-kiss na kami! Hahahaha! Oo siyempre pinag-usapan ‘yun talaga, may konting adlib din kung ano ang mga ginagawa ko dati. Hahahaha! ‘Yun naman trabaho ko, to make it comfortable as possible,” pahayag ng Kapamilya aktor.

Samantala ngayong opisyal nang magkarelasyon sina Gabriel at Bianca sa ILAI, siguradong hindi na matatahimik si Carlos (Jake Cuenca). Tiyak na gagawa siya ng paraan para maagaw si Bianca sa mortal nitong kaaway, kaya ‘yan ang dapat ninyong abangan at huwag palalagpasin.

And as usual gusto nang ipako sa krus ng mga manonood si Daniel Fernando bilang ubod nang samang tatay ni Gabriel na wala nang ginawa kundi ang magdala ng problema sa kanilang pamilya.

Hayan at binantaan na siya ni Roman (Michael de Mesa) na huwag nang masyadong makipag-associate kay Gabriel lalo sa mga event nito dahil nakasisira siya sa imahe nito sa Triathlon.

Inutusan rin ni Roman si Rigor na tantanan na niya ang kanyang misis na si Victoria (Ayen Munji-Laurel). Mas lalo pang kamumuhian ng TV viewers si Daniel, kapag nagkabukingan na ng mga lihim na puwede siyang makulong uli kapag itinuloy na ni Maila ang demanda laban sa kanya na puwede siyang kasuhan ng robbery at physical injury.

Napapanood ang Ikaw Lang Ang Iibigin tuwing 11:30 ng umaga pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime Tanghali.

ANNIKA PINTASERA NINA JULIA
AT JC SA WANSAPANATAYM
HULING LINGGO NA

Last Sunday sa episode ng Annika Pintasera sa Wansapanataym ay binigyan ng party ni Annika (Julia Montes) ang debutanteng sister ni Jerome (JC Santos) na si Lote (Amy Nobleza).

Nasa party si Glen (Nico Antonio) ang lalaking tinakasan noon ni Annika sa araw ng kanilang kasal. Nakaabang ang Knight in shining armour guy (Jerome) ni Annika sa puwedeng mangyari dahil may maitim na balak si Glen sa kanyang nobya.

Nasa huling linggo na rin ang taning na ibinigay sa buhay ni Annika. Mailigtas kaya siya ng pure heart ni Jerome lalo’t siya lang ang puwedeng sumagip sa babae sa sumpa at kamatayan?

Abangan ang finale episode ng Annika Pintasera this Sunday after Goin Bulilit on ABS-CBN-2.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved