Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga Hapon, pinalakpakan ang Kita Kita nina Empoy at Alessandra
Mga Hapon, pinalakpakan ang Kita Kita  nina Empoy at Alessandra

Mga Hapon, pinalakpakan ang Kita Kita nina Empoy at Alessandra

KASAMA pala ang Kita Kita (I See You) ng Spring Films sa nakaraang Osaka Film Festival 2017 na ginanap mismo sa Osaka, Japan noong Marso 12, 2017 at base sa kuwento ng pangunahing bidang babae na si Alessandra de Rossi, tuwang-tuwa ang mga Hapones na nakapanood at pumapalakpak pa.

“Gusto ko sanang manalo si Empoy (Marquez) noon ng Best Actor, kaso wala namang Best Actor or Best Actress doon, parang special awards lang, sana mayroon, ang ganda-ganda kasi,” nakangiting sabi ni Alessandra nang makatsikahan namin pagkatapos ng Q and A sa media launch ng Kita Kita na ginanap sa Luxent Hotel noong Martes.

Biro namin kay Alex na ‘sawa na siya sa awards’ kasi hindi niya hinangad na magkaroon pa ng award, ”hindi na kasi kasya sa house,” ganting sagot naman sa amin.

Sa tanong namin kung ano ang reaksiyon ng aktres nang malaman niyang si Empoy ang leading man niya sa Kita Kita ay: ”Umiyak ako (sabay tawa)” sabay bawi, “natuwa ako kasi kakaiba ‘yung kuwento, kasi kung katulad din ng iba (guwapo ang leading man), walang iba. Kasi puwede namang gawin ito ng ibang artista, eh, ‘tong kuwentong ‘to?” sabi ng aktres.

LIMANG ARAW
NA WALANG TULUGAN

Ang mga hindi malilimutang experience ni Alessandra noong isinu-shoot nila angKita Kita sa Osaka, ”well, noong first time ko kasi sa Japan, sa city ako (nag-shoot) like sa Tokyo, ganoon, sabi ko sa mga friend ko, ‘hindi ako nag-enjoy kasi in three days ko roon, nakalimutan kong magdasal? Hindi ko kasi nakita si God, kasi puro building, nakatakip ang sky, wala akong makitang clouds, wala akong makitang sunrise, hindi ko nakita ang sunset. Walang moment to stop and thank the Lord.

READ MORE:  Special effects ng "Ang Panday", bongga

“Pero rito, since probinsiya, sunrise at sunset at nakita ko si God sa bawa’t sulok, ‘yun siguro na-appreciate ko ang Japan, pang ano talaga ako, countryside girl. So everyday busy kami.

“Like five hours lang tulog namin everynight kasi nga sunod-sunod at ngayon ko lang naranasan na lahat ng eksena sa movie ikaw o kami. Kasi dalawa lang naman kaming cast sa movie, eh, as in wala ka talagang break.”

Fifteen days kami sa Japan pero on the 5th day, palpak na ‘yung ganito, palpak na ‘yung ganyan kaya tanong ni direk (Sigrid Andrea Bernardo), ‘bakit anong nangyari’ sabi ko, ‘eh, kasi direk, limang araw na tayong hindi natutulog.’

“Kaya binigyan kami ng break para makatulog ng eight hours at para makapag-recharge,” paglalarawan ng leading lady ni Empoy.

Dagdag pa, ”alam naman naming kailangan naming magsakripisyo kasi wala ka sa sarili mong bansa, mahal ang binabayaran mo sa lahat.”

Habang nagsu-shoot daw sina Alex at Empoy ay nakapamasyal na rin  sila dahil kung ano ‘yung mga lugar na pinuntahan nila para sa mga eksena ay pasyal ng matatawag, ”kasi kung ako lang naman ang pupunta roon mag-isa, hindi ako makakapamasyal dahil sa tamad ko.”

FIRST TIME GUMAWA
NG ROMANTIC-COMEDY

Samantala, itong Kita Kita pala ang unang romantic-comedy film ni Alex simula noong nag-artista siya dahil nga kadalasang ginagawa niya ay heavy drama.

READ MORE:  Kris, makakatrabaho ang JoshLia sa I Love You, Hater

“Yeah, bago ast least may bagong malalagay sa aking portfolio, different genres, rom-com. Na-enjoy ko rin naman, pero kung sasabihin ulit ng producer ko na hindi na ako tatanggap ng labandera role o tulad dati, parang hindi ko ma-imagine, gusto ko pa rin ‘yung dati kong ginagawa.

“Ayokong-ayoko kasing kinakahon ang mga artista, opinyon ko lang ito ha. Tulad niyong isa na, ‘o lahat na lang ng pelikula mo, abogado ka, nakakalungkot’ ‘yun para sa isang artista, na iyon lang ba ang kaya mong gawin? Nag-artista ka pa, sana nag-abogado ka na lang talaga, bagay pala, parang ganoon,” punto de vista ng premyadong aktres.

Sa rami ng nagawang papel ni Alessandra sa pelikula, ano pa ang kaya niyang gawin?

“Kaya ko lahat gawin, marami, ‘wag lang akong gawing dancer,” seryosong sabi ng aktres.

“Kaya ko rin namang maging singer, pero ayokong gawin,” sabi pa.

Binanggit namin sa aktres na mas nakatatawa siya kaysa kay Empoy.

“Talaga? Ewan ko kung anong nakain ni Sigrid, baka nagpapatawa lang siya,”kunot noong sagot ng dalaga.

Puwedeng ma-inlove kay Empoy

Seryosong tanong namin kay Alex, ‘posible bang ma in love siya sa katulad ni Empoy?’

“Kayo po?” balik-tanong sa amin. Sabay sabing, ”bakit naman hindi, ang hinahanap ko, mabait matalino at may takot sa Diyos.”

Hirit namin ulit, ‘mayroon lahat niyon si Empoy, maliban sa hitsura.’

READ MORE:  Paolo, namroroblema, pagdalo sa Tokyo Int’l. Filmfest ‘di pa sure

“Hello, bakit ka naman titingin sa hitsura, eh, lahat naman tayo tulog ‘pag gabi na (sabay tawa), at the end of the day, tulog ka lang din naman, so ganoon ‘yun. Para ka na lang managinip,” biglang seryoso ni Alex.

“Pero alam n’yo, lagi na lang nating ginagawang joke ‘yung pagit si Empoy, hindi ako naniniwala, pero naniniwala akong love is blind kahit gaano ka nakakita ng ganda, gaano kayaman ang tao, gaano katalino, pagdating sa love, lahat ‘yan tanga pagdating sa pag-ibig,” paliwanag ng aktres.

Naging tanga na ba sa pag-ibig si Alex, ”everytime, hindi lang sa pag-ibig, tanga sa kaibigan, tanga sa katrabaho, totoo, kasi siyempre ‘pag endeared ka sa isang tao, kahit anong pakita niya sa ‘yo okay-okay. Later on na lang kapag medyo sumobra roon ka lang magigising. Sign pala lahat ‘yun.

“Sanay kayong kontrabida ako sa pelikula, pero sa totoong buhay, hindi ako marunong magalit, hindi ako nagagalit, hindi tumataas ang boses ko, never. ‘Yun nga lang ‘pag nagalit ako, banned ka na sa buhay ko,” katwiran ni Alessandra.

Anyway, aliw na aliw ang lahat ng entertainment press na dumalo sa Kita Kitapresscon dahil walang ginawa sina Alessandra at

Empoy kundi magkulitan at lahat ng mga sagot nila ay puro may halong kalokohan.

Mapapanood na ang Kita Kita sa Hulyo 19 mula sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo produced ng Spring Films distributed ng Viva Films.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved