Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Sex makakabuti sa kalusugan ng utak
Sex makakabuti sa kalusugan ng utak

Sex makakabuti sa kalusugan ng utak

NAPAKARAMING dahilan kung bakit makabubuti ang sex para sa ating kalusugan, ngunit alam n’yo bang ang re-gular na pagtatalik ay maka-tutulong nang malaki para sa kalusugan ng ating utak?

Nadiskubre ng mga researcher mula sa Coventry at Oxford University sa United Kingdom ang kaugnayan sa pagitan ng madalas na sexual activity at napagandang brain function sa older adults o mga may edad na indibiduwal.

Sa pag-aaral na inilathala sa The Journals of Gerontology, Series B: Psychological and Social Sciences,  73 indibiduwal may edad 50 hanggang 83 ang tinanong kung gaano kadalas — sa average — sila nakikipag-sex sa nakalipas na 12 buwan. Tinanong din sila ukol sa kanilang general health at lifestyle.

Kumuha ang 28 kalalakihan at 45 kababaihan ng standardized test, na pangkaraniwang ginagamit para sa pagsukat sa iba-ibang pattern ng brain function sa mga may edad na nakatuon sa attention, memory, fluency, language at visuospatial ability.

Napag-alaman ng mga siyentista na ang mga indibiduwal na nagtatalik nang hindi bababa minsan sa isang linggo ay umiskor ng mas mataas sa mga pagsusuri sa cognitive function — at labis pa sa kanilang measured verbal fluency at visuospatial ability — kaysa hindi madalas makipag-sex.

Sa pagtalakay sa resulta ng pag-aaral, sinabi ni lead researcher Dr Hayley Wright: ”We can only speculate whether this is driven by social or physical elements – but an area we would like to research further is the biological mechanisms that may influence this.”

“Every time we do another piece of research we are getting a little bit closer to understanding why this association exists at all, what the underlying mechanisms are, and whether there is a ‘cause and effect’ relationship between sexual activity and cognitive function in older people,” dagdag ni Wright.

“People don’t like to think that older people have sex – but we need to challenge this conception at a societal level and look at what impact sexual activity can have on those aged 50 and over, beyond the known effects on sexual health and general wellbeing.”

ni Tracy Cabrera

COMMENTS

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved