Wednesday , June 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Higit sa 5 adik suspek sa Bulacan massacre

Higit sa 5 adik suspek sa Bulacan massacre

MASAKER. Limang miyembro ng pamilya Dizon-Carlos ang natagpuang patay ng padre de pamilya na si Dexter Carlos, isang security guard, nang siya umuwi sa kanilang tahanan sa Northtridge Royal Subd. Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte, Bulacan, kahapon ng umaga. (Kuha ni ALEX MENDOZA)

MASAKER. Limang miyembro ng pamilya Dizon-Carlos ang natagpuang patay ng padre de pamilya na si Dexter Carlos, isang security guard, nang siya umuwi sa kanilang tahanan sa Northtridge Royal Subd. Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte, Bulacan. (Kuha ni ALEX MENDOZA)

GINAHASA ang ina at ang bulag na lola bukod sa tinadtad ng saksak ang lahat ng biktima, ang malinaw na indikasyon na wala sa normal na pag-iisip ang mga suspek sa naganap na masaker sa City of San Jose del Monte, Bulacan.

Sinabi ni CSJDM acting chief of police (COP) Supt. Fitz Macariola, rape ang posibleng motibo sa pagpasok sa bahay ng mga biktima dahil walang nawalang mahahalagang gamit ang pamilya.

Aniya, dalawa sa mga biktima ang posibleng ginahasa base sa inisyal na imbestigas-yon.

Naniniwala rin ang mga imbestigador na da-lawa katao o mahigit pa ang sangkot sa karumal-dumal na krimen.

“Marami po sila. Hindi po natin masasabi na dalawa lang po e,” ayon kay Macariola.

Sa naunang mga ulat, natagpuang walang saplot sa katawan ang ina na si Estrella Dizon Carlos, 28 anyos, na naka-handusay sa likod ng bahay, at ang bulag na lolang si Auring Dizon, 58.

Ang mga batang sina Donnie, 11; Ella, 7, at Dexter, Jr., 1, ay natagpuan ng amang security guard na   Dexter Carlos Sr., sa kanilang kuwarto pasado 8:00 am nitong Martes.

Gayonman hinihintay ng lokal na pulisya ang resulta ng forensic investigation mula sa SOCO, PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

TINADTAD
NG SAKSAK

LUMABAS sa imbestigasyon ng City of San Jose del Monte police sa Bulacan, tadtad ng saksak ang limang miyembro ng pamilya na minasaker sa nabanggit na lungsod nitong Martes.

Ayon sa ulat ng pu-lisya, may 45 saksak sa katawan si Estrella Dizon Carlos, 28 anyos, ina ng tatlong batang biktima;  habang 32 ang saksak sa katawan ni Auring Dizon, 58, bulag na ina ng una.

Ang mga bata, may 14 saksak ang panganay na lalaki na si Donnie, 11; 19 saksak kay Ella, 7 anyos, at lima sa sanggol na si Dexter, Jr.

Naniniwala ang amang Carlos na kilala ng kanyang mga anak ang mga suspek kaya pati sila ay idinamay sa pananaksak.

P.1-M SA ULO
NG MASSACRE
SUSPECTS

NAG-ALOK ng P100,000 pabuya si San Jose de Monte City Mayor Arthur Robes sa sino mang makapagtuturo sa mga suspek ng masaker sa limang miyembro ng pamilya sa nabanggit na lungsod.

“Magbibigay si San Jose del Monte Mayor Arthur Robes ng P100,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikahuhuli ng suspek o mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa mga miyembro ng pamil-ya Carlos kahapon,” ani San Jose del Monte City Rep. Florida Robes sa isang text message.

2 PERSONS
OF INTEREST
INIMBITAHAN
NG PULISYA

INIMBITAHAN ng pulis-ya ang dalawang persons of interest sa masaker ng limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Tumanggi muna si Supt. Fitz Macariola, acting chief ng San Jose del Monte City Police, na magbigay ng detalye kaugnay sa pagkatao ng dalawang lalaki habang inilinaw na hindi pa sila aktuwal na mga suspek sa krimen.

“Masyado pa pong napakaaga para magbanggit na ang dalawa ay magiging suspek,” ani Macariola.

Aniya, marami pang ibang persons of interest ang kanilang iimbitahan upang isailalim sa pagtatanong kaugnay sa pagpaslang sa biyenan, asawa at tatlong anak ng security guard na si Dexter Carlos, sa kanilang bahay sa Block 1, Lot 8, Northridge Subdivision, Brgy. Santo Cristo.

Nadiskobre ng sekyu ang mga katawan ng kanyang biyenan na si Auring Dizon, 58; asawang si Estrella Dizon, 28; at kanyang mga anak na sina Donnie, 11; Ella, 7, at Dexter, Jr., 1, nang umuwi siya pasado 8:00 am nitong Martes.

(MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved