Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 sabungero nagtarian sa tupadahan
2 sabungero nagtarian sa tupadahan

2 sabungero nagtarian sa tupadahan

KAPWA malubhang nasugatan ang dalawang sabungero makaraan magsaksaksan habang armado ng tari sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Isinugod sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tama ng saksak sa mukha at iba pang parte ng katawan si Jaime Piamonte, 55, ng Blk. 51, Lot 65, Phase 3D, Dagat-Dagatan, habang sa Tondo Medical Center dinala si Jonard Rapa-nan, 29, ng Blk. 38, Lot 7, Phase 3, Brgy. 12, may mga saksak sa tiyan at braso.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa tumataya sa ilegal na tupada sa Blk. 51, Lapu-Lapu Ext., Brgy. 8 ang dalawa nang mainitang magtalo hinggil sa dayaan sa sabong.

Pagkaraan, kapwa kumuha ng tari ang dalawa at parang mga manok na nagsabong sa mismong ruweda ng ilegal na tupadahan.

Pinanood muna ng mga sabungero ang girian at inawat lamang nang makitang kapwa na duguan ang dalawa.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved