Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Relief goods sa Marawi hinaluan ng bala
Relief goods sa Marawi hinaluan ng bala

Relief goods sa Marawi hinaluan ng bala

MASUSING iniimbestigahan ng Mandaluyong PNP ang nadiskobreng mga bala at piyesa ng baril na nakahalo sa relief goods na dadalhin sa evacuation center sa Marawi City.

Base sa ulat ng pulisya, aabot sa 159 bala ng 9mm at mga piyesa nito ang nadiskobreng naka-halo sa relief goods na nakalagay sa isang package.

Ayon kay EPD director, Chief Supt. Romulo Sapitula, habang inaayos ni Mohaimen Mutalib ang mga donasyon sa kanyang condominium unit sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City dakong 6:00 pm kamakalawa, nadiskobre niya ang eco bag na may lamang mga bala at piyesa ng baril.

Ang nasabing donasyon ay sinasabing nagmula sa isang nagngangalang AJ Salvani Cubarrubia.

Bunsod nito, agad isinuko ni Mutalib ang nasabing donasyon sa himpilan ng pulisya.

Samantala, iniutos ni Chief Supt. Sapitula sa kanyang mga tauhan ang paghahanap kay Cubarrubia. (ED MORENO)

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved