Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janella at Elmo, tinalbugan ni Ronnie sa billing
Janella at Elmo, tinalbugan ni Ronnie sa billing

Janella at Elmo, tinalbugan ni Ronnie sa billing

INIINTRIGA ang layout ng poster na may ‘and’ at solo ni Ronnie Alonte ang billing sa pelikulang Bloody Crayons. Tinalbugan niya sina Janella Salvador,Elmo Magalona na naging bida na rin sa ilang pelikula.

Ayon sa Star Cinema AdProm Head na si Mico Del Rosario, management decision ‘yun. ‘Yung pinaka-senior in terms of filmography it came in first and last, so nauna si Janella hanggang kay Ronnie.

READ MORE:  Kim Chiu, game maging ghost bride kung hindi naging aktres

Ipinaliwang din sa mga cast ng Bloody Crayons na hindi naman sa billing kundi kung paano ayusin ang work at kung paano maayos na i-portray ang role.

READ MORE:  Jairus at Francis, nagkakainitan dahil kay Sharlene

Kasama rin sa pelikula sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jane Oineza, Maris Racal, Yves Flores, Empoy Marquez.

Madugo ang pelikulang Bloody Crayons dahil maraming desgrasya ang nangyari sa cast. Nabukulan si Janella. Si Yves ay ilang beses natitinik at nasugatan. Si Maris ay ilang beses natutulak at natutumba. Nagre-require kasi ng takbuhan, pisikal ang pelikula.

READ MORE:  Manolo, kayang maungusan si Inigo

Ito ay sa direksiyon ni Topel Lee at showing sa July 12.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved