Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pogoy pinag-multa ng P30,000
Pogoy pinag-multa ng P30,000

Pogoy pinag-multa ng P30,000

TUMATAGINTING na P30,000 ang ipinataw na multa kay TNT rookie Roger Pogoy dahil sa insidente kontra Arwind Santos sa Game 2 noong PBA Commisioner’s Cup Finals.

Sa  ikatlong kanto ng laro na-nalo ang San Miguel, 102-88 nagkarigian si  Pogoy at Santos sa rebound na nagresulta sa pagtama ni Pogoy sa maselang bahagi ng katawan ni Santos.

Kaagad itong ikinainit ng ulo ni Santos ngunit naawat bago pa lalong lumaki ang gulo.

Dahil sa insidente, napa-tawan si Pogoy ng Flagrant Foul Penalty 2 (FFP2) at kaagad napatalsik sa laro.

Ang nagawa ni Pogoy at ang katumbas na P30,000 multa ay ipinaliwanag ng PBA na “unprovoked unsportsmanlike act with intent to hurt by deliberately hitting the groin of Arwind Santos.”

Walang naiskor si Pogoy sa 19  mi-nutong inilaro ma-tapos ang 27 puntos na pagputok sa 104-102 panalo ng KaTropa sa Game 1.

(JBU)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved