Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza, nagsasawa at naiinis na sa mga bastos sa social media
Liza, nagsasawa at naiinis na sa mga bastos sa social media

Liza, nagsasawa at naiinis na sa mga bastos sa social media

PATI si Liza Soberano, very vocal na ngayon na nagsasawa na siya at walang dudang naiinis din sa mga basher ng mga artista sa social media. Sinasabi nga niya, masyadong maraming bastos sa social media. Marami ring nakikialam sa mga personal nilang buhay sa social media.

Noong araw, panay ang sabi nila na masyado silang pinakikialaman at sinisiraan ng press, kaya noong magkaroon ng social media, lahat sila nagsiksikan doon sa paniniwalang doon kaya nilang ipangtanggol ang kanilang sarili. Hindi kagaya sa lehitimong media na sinasabi nila noong araw na ”wala kaming kalaban-laban”.

READ MORE:  Pagka-creativity ni Heart, ipinakikita rin sa Instagram account

Pero isang bagay ang hindi nila naisip. Maaari nga silang makipagbakbakan sa social media pero kaya ba nilang harapin ang kabastusan ng ilang undesirable elements na nasa social media rin? Hindi nila naisip na mas matindi ang blogs ng mga naninira sa kanila kaysa kanila mismo. Ang nagbabasa sa kanila iyon lang fans nila. Ang nagbabasa sa mga naninira sa kanila iyong mas marami.

READ MORE:  Sylvia, itinanghal na Teleserye Actress of the Year sa Pep List Year 4

At hindi iyan parehas. Hindi kagaya sa lehitimong media na may karapatan silang sumagot on equal footing. Ang sinumang kritiko nila ay may katungkulang ilabas din ang kanilang panig. Sa social media walang ganyan. Bastusan lang talaga.

Nakunsumi na nga si Soberano, at palagay namin kahit na lumunok siya ng bato at sumigaw ng Darna, hindi pa rin niya mapipigil ang mga basher na iyan. Tingnan ninyo si Maine Mendoza, noong mapikon, inalis na lang niya ang kanyang social media account. Iyong iba naman, ginagawa na lamang private ang kanilang account.

READ MORE:  Aldred, napag-iwanan na ni Gerald nang milya-milya (Dahil sa pagiging malamya kaya ‘di mai-build-up)

Basta inilantad mo ang sarili mo sa social media, para ka na iyong mga bakla na binabato ng bola sa mga peryahan noong araw, na basta nasapol ka hulog ka pa sa tubig.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved