Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kompensasyon sa RWM victims ibase sa batas

Kompensasyon sa RWM victims ibase sa batas

00 Kalampag percyNANGAKO raw ang management ng Resorts World Manila (RWM) na kokompletohin ang kompensasyon sa mga namatay at nasugatan sa malagim na insidente sa hotel at casino noong June 2.

Ipinangako raw ng Hong Kong national na si David Chua, board chairman ng Travellers International Hotel Group (TIHG) bilang tugon sa mga tanong nina Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas at Rep. Lucy Gomez ng Leyte tungkol sa dapat makuhang benepisyo ng mga biktima at ng 6,000 empleyado ng RWM.

Ipinagmalaki ni Kingson Sian, pangulo ng RWM, sa mga mambabatas na 31 sa 37 nasawi ay nabigyan na nila ng tig-P1 million, habang ang 35 na naospital ay nakatanggap naman ng tig-P500,000.

Samakatuwid ay 6 na lang ang nalalabi sa 37 namatayan ang hindi nasilaw sa alok na salapi ng kompanya at pilit pang inaareglo ng RWM ma-nagement.

Ang masakit, imbes danyos sa prehuwis-yong dulot ng dispalinghado nilang seguridad ay tinawag na tulong ang kompensasyon na ipinamudmod ng RWM management sa mga biktima.

READ MORE:  Mga pulis na kolektor ng payola ipinasasakote ni Director Valmoria

Pinalalabas pa ng RWM executives na sila ay mga pilantropo kaya’t imbes danyos ay tulong ang ipinamudmod nilang kuwarta sa mga naulila ng nasawi sa trahedya, hehehe!

At sa tono pa lang ng panananlita ng mga mambabatas ay alam na natin kung saan patungo ang imbestigasyon ng Kamara sa malagim na insidente.

Lihis na sa pakay ng ‘investigation in aid of legislation’ at lagpas na sa poder ng Kamara ang gustong gampanang papel ng mga mambabatas.

Bakit, kailan pa ba nalipat sa Kamara ang poder ng hukuman bilang ‘arbiter’ o ‘conciliation court’ para pasiyahan ang kompensasyon?

Sayang naman kung hindi maipatutupad ang R.A. 9285 o Alternative Dispute Resolution na ipi-nasa ng Kongreso at naging ganap na batas noong April 2, 2004.

Sa naturang batas dapat ibase ang pagresolba sa usapin ng kompensasyon at hindi sa Kamara.

Imbes makialam ay ipaubaya ng Kamara ang pasiya ng mga biktima na idulog ang kaso sa hukuman.

Diskompiyado ang marami na sadyang pinatatagal ng Kamara ang walang patutunguhang imbestigasyon sa RMW hanggang ang iilang natitira ay mainip at mapilitang pumayag sa areglo na hindi ayon sa proseso ng batas.

READ MORE:  ‘Vote Buying’ may resibo na ngayon?!

Kumbaga sa karnabal, isinasakay ng Kamara at ng RWM management sa umiikot na tsubibo ang mga biktima hanggang tuluyang mahilo.

Kung ‘di siguro sa pakikialam ng Kamara sa mga bagay na hindi nila dapat isinasali sa im-bestigasyon, tulad sa kompensasyon, ay marami pa sa mga biktima ang hindi pumayag magpaareglo sa RWM.

Baka magulat na lang tayo isang araw na back to operation na ang casino dahil business as usual na ang hotel at mga negosyo sa RWM.

Ang mga natitirang biktima na hindi pa naa-areglo ay dapat ituloy ang pagsasampa ng demanda laban sa management at hilingin nila sa hukuman na ipasarado ang RWM hangga’t hindi nareresolba ang kaso.

Bahala na sila kung sa bandang huli ay mapapayag sila sa areglo sa tamang kompensas-yon na dapat panagutan sa kanila ng RWM, bagay na posibleng pagsisisihan ng mga unang nagpaareglo.

READ MORE:  Dynamic duo ng kabulastugan

Ang importante, dumaan ang lahat sa tamang proseso ng batas.

RWM SABIT DIN SA COVER-UP

ISA sa katarantaduhan ng RWM management ang pagtatakip sa mga magnanakaw na umiskoba sa personal at mahahalagang kagamitan ng mga nasawi sa trahedya.

Siguradong alam ng RWM management kung mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) o mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang unang pumasok sa loob.

Kung ‘di man magkasabay ay imposibleng hindi alam ng RWM management at ng kanilang mga security ang unang sumalakay sa mga patay.

Isa lang ang dahilan kaya pinagtatakpan ng RWM management ang mga magnanakaw, para hindi sila madiin sa mga kaso na posible nilang kaharapin.

Hindi ba maliwanag na guilty sa kasong “co-ver-up” ang RWM management?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved