Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / GF ng anak pinagaling ang masakit na tiyan ng Krystall herbal oil
GF ng anak pinagaling ang masakit na tiyan ng Krystall herbal oil

GF ng anak pinagaling ang masakit na tiyan ng Krystall herbal oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Nais ko lang ibahagi ang aking patotoo.

Nangyari po to sa girlfriend ng anak ko na nag-tatrabaho sa isang kilalang restaurant.

May nakain daw po siya, at dahil dito sumakit bigla ang kanyang tagiliran. Pagkatapos mamaya konti sobrang sakit na parang may appendicitis na ‘ata ang pakiramdam.

Noong nalaman ko ang kalagayan niya, naawa ako at kinuha ko siya sa boarding house niya at dinala sa aming tirahan. Hinaplosan ko siya ng Krystall Herbal Oil sa buong tiyan.

Pinakain ko muna siya, at pagkatapos ay pinainom ng apat na Krystall Herbal yellow tablets. Hindi ko na po siya pinabalik muna upang maobserbahan magdamag.

‘Yung gabing iyon nakaramdam na siya ng ginhawa at hindi na sumakit ang kanyang tagiliran. Nakatulog na agad siya. Kinaumagahan, kinamusta ko siya noong pagbangon niya. Hindi na raw sumasakit at maayos na ang kanyang pakiramdam.

‘Yan lang po ang aking gustong ipatotoo.

Salamat po sa Krystall Herbal products ninyo.

Nagpapasalamat,
SIS SIONY BIANZON
Pasay City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa  telepono bilang (02) 853-09-17 o  852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.
Back to Basic: NATURE’S HEALING – Fely Guy Ong

COMMENTS

About Fely Guy Ong

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved